CHAPTER 18: “Let’s end this.”
“If there are things in life that you cannot control, these are time and your emotions.”
Naomie’s POV
I don’t know why I hurriedly texted him. Bigla ko na lang kasing naisip at nagulat ako ng maisend ko na sa kanya. Parang SOP na nagregister sa utak ko at nagawa ko na lang.
Bakit nga ba kailangan ko siyang i-text? Diba nga dapat iwasan ko na siya dahil sa nalaman ko? Diba sabi ko nga sa sarili ko na dapat ko siyang iwasan dahil hindi na maganda ang nararamdaman ko para sa kanya?
Naghalo yung takot at pananabik ko para sa kanya. Kinakain ang sarili ko ng pangamba na baka bukas makalawa hindi ko na siya makita o makasama, na baka hindi ko na siya maasar at mahampas man lang, na baka hindi ko na masulyapan pa o marinig yung maganda niyang mga mata o yung nakakaasar niyang boses pero talagang nakakamiss at yung nakakalokong niyang mga ngiti.
Kailan pa ba siya naging importante sa buhay ko? Parang kalian ko lang naman siya nakilala at wala nga akong ibang maalala sa kanya kundi yung mga masasaya at nakakaasar lang na pangyayari sa aming dalawa. Yung sa hospital at sa secret place niya.
Hindi ko alam pero parang iniisip ko yung mga bagay na pwedeng mangyari sa akin at sa aming dalawa ay nalulungkot na agad ako. Di ko namalayan na sa habang kakaisip ko sa mga yun, ay pumatak na lang agad ang mga luhang kanina pang pinipigilan ko sa pag-agos.
FLASHBACK
“Naomie, based on the several interviews and tests that we have conducted a while ago, you have Post-traumatic amnesia, most of your past experiences ay hindi mo na naaalala, at sigurado ako na aware ka na dun, kung saan lahat lang ng recent na memories na meron ka ang tanging natatandaan mo, yung mga importante o malalapit lang na tao sa buhay mo ang naalala mo.
But what more we have found out in some of your tests, you might also experiencing Alzheimers Disease, you might know that these disorders you have right now still have no definite cure o wala pa ring nadidiskubreng lunas. Patuloy pa rin ang pag-aaral ng mga siyentipiko para malaman ang sagot sa karamdaman na ito, specially Alzheimers. I can only give you some medicine para ma-enhance lang ang mga brain cells mo, but eventually these medicines will not work longer & efficiently for post traumatic amnesia dahil sinamahan pa sya ng Alzheimers Disease. What we can only do for that is the strong moral support of your family and love ones para walang sawa sayong ipaalala ang lahat ng bagay na dapat mong maalala. ...”
Wala na kong naintindihan pa sa ibang sinabi ng doctor, dahil nakita ko na lang si Mama na umiiyak, at nahawa na rin niya ako.
BACK TO REALITY
Nagising na lang ako sa katotohanan nang may narinig akong busina ng sasakyan sa labas. Baka siya na yun. So I quickly went to our gate para makita siya. And I also got shocked for the next thing I’ve done.
I hugged him tight.
Yung yakap na parang wala ng bukas, yakap na parang ayoko ng mawala siya sakin at sana huminto na lang ang oras. Kahit ngayon lang... kahit ngayon man lang na kasama ko siya. Kahit ngayon lang, I wanted to become selfish.
I wanted to become selfish even just for once.
.
.
.
.
.
.
.
.
(AUTHOR'S NOTE)
Sorry but ito talaga ang kakahinatnan nilang dalawa. :'(
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Ficção AdolescenteWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...