“Sometimes good people make bad choices. It doesn’t mean they are bad people, it means they’re human.”
This one is dedicated to: RONA RUBRICA, MICA BONAOBRA at JAMES RUSSEL CARDONA!!! XD
NAOMIE’S POV
Hindi ko alam bakit ganun siya makitungo sakin. Nilayasan na lang niya ako sa lamesa ng hindi man lang kinakausap at naubos ang kinakain niya. Ano naman bang nagawa kong mali? Alam na ba talaga niya? Pero paano naman niya malalaman kung sakali man? Sobrang sakit sa ulo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sasabihin ko na ba sa kanya? I CAN’T DECIDE!!!
Natapos lang ang araw ng hindi kami nag-kakausap ng matino. Kahit noong natulog na kami, hindi niya talaga man lang ako kinibo. Buong gabi lang kaming walang pansinan. Sobrang sakit kasi parang lang akong hangin sa paningin niya. Hindi man lang niya maramdaman ang presensya ko.
Kaya maaga na akong nagising, kasi hindi rin naman na ako makatulog ng maayos. Nagbake na lang ako ng cake para sa party mamaya. 4:00 am pa lang nagising na ako para tapusin iyon. Natapos ko rin naman agad ng mga 6:00 am, kaya diretso na rin ako sa paghahanda ng almusal namin.
Mamaya-maya gising na yun, 8:00 am kasi kami pupunta kila Mama. Kaya maagang babangon yun. And just like what I’ve expected, ayun na siya pababa ng hagdan mula sa aming kwarto. Ang sama ng timpla niya, halatang hindi rin siya nakatulog ng mahimbing. Ang itim ng ibabang bahagi ng mga mata niya eh. Nakabusangot na naman siya! Pero bakit ganun, kahit anong expression ng mukha niya, ang GWAPO pa rin niya! Nakakainis! Sige na... siya na ang pinagkalooban ng magandang pagmumukha.
Naghanda na ako ng almusal namin sa mesa. At dali-daling tinawag siya para kumain na...
“Good morning! Kain na tayo. Handa na ang almusal!”
“I’m not hungry. Just eat if you want.” Walang-buhay niyang sabi. Ano bang klase yun? Galit talaga siya sakin? Disappointed here! Ang sakit mareject!
Dire-diretso lang siya sa ref para kumuha ng tubig at uminom. Yun lang ang almusal niya? OKAY na siya dun? TIBAY!?
“Ahh--- ganun ba? O-okay!” tiklop kong sabi. Ang lungkot! Wala man lang akong kasabay mag-almusal.
AT THE PARTY...
BAUTISTA’S RESIDENCE
CARLO’S POV
We’re now at the party. Masaya ang lahat, pwera lang sa akin. Hindi ko ba naman kasundo ang asawa ko, paano ako sasaya? Kahit kanina nga lang sa loob ng kotse papunta dito sa amin, hindi ko siya pinapansin, at kahit noong almusal, hindi ko rin siya sinabayan, wala pa rin kasi akong gana makisabay sa kanya.
Mabuti pa talaga sila Mama at Papa, masayang-masaya ngayon, umabot pa nga sila ng Silver Anniversary nila bilang mag-asawa. Kami kaya nga asawa ko?
Mag-isa lang ako dito ngayon sa sulok, ayokong makihalubilo sa kahit kanino, kahit kila kuya at sa mga kapatid ko. Masaya na akong kasalo itong alak na handa nila Papa.
At siya? Ayun sa loob ng kusina, kasama yung mga kapatid ko, kanina pa nga niya ako sinusundan ng tingin. Parang hindi mapakali sa kinauupuan niya, may balak na naman kayang tumakas sakin to? NAKAKABADTRIP! Nagiging paranoid na ako sa kakaisip sa mga kasinungalingan niya.
Napahigpit na ang hawak ko sa basong ginagamit ko ng biglang may lumapit sakin.
Yung taong halos kahawig at kaugali ko. Yung taong tinitingala at hinahangaan ko. Yung taong alam magpahalaga sa pamilya.

BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Teen FictionWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...