Naomie's POV
Tumigil ang mundo ng lahat ng namamasyal para panuorin kami ng taong kaharap ko ngayon. Hinalikan niya ako sa noo at siniil sa napakahigpit niyang yakap pagkatapos kung kumanta. Nagpalakpakan din ang mga tao after ng nakakahiyang parte na yun. Ganun pala ang pakiramdam kapag may kinakantahan kang isang tao na mahal na mahal mo. Sobrang kabado. Parang halos lahat na ng dugo sa katawan ko ay umakyat na sa ulo ko sa kahihiyan.
Kahit hindi mo alam kung anong kalalabasan ay itutuloy mo pa rin kasi nandun na ang lahat. Maging palpak man o maganda basta ang mahalaga nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko ngayon.
Ngayon na may kakayahan pa akong makilala at makasama pa siya.
Damang-dama ko ang kaligayahan sa higpit ng yakap niya sakin. Nararamdaman ba niya? Alam na ba niya ang gusto kong ipahiwatig sa kanya?
"You didn't need to do that but still, thank you!" mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya sakin.
Masaya ako na napasaya ko siya kahit sa simpleng paraan man lang na to.
"Hindi ka ba galit boots?"
"Boots mo mukha mo! Ginawa mo pa akong unggoy hah?" tinanggal niya ang pagkakayakap at agad pinitik ang noo ko.
"Aray!!! Boots naman e. Hehe... I love you boots! ay hubby pala! hahaha"
"Sige lang asar pa! Pagkatapos mo ako paiyakin at pahirapan kanina hah?"
TSUP
Hinalikan niya ako sa....
Alam niyo na!
Kahiya!! Andaming tao kaya!
"Uhmm (binatukan ko nga!) PDA ka kasi masyado! Yan bagay sayo!"
"Sino ba nagsimula? Anong tawag mo sa ginawa mo?Tss..."
kamot niya sa ulo niya sabay walk out.
Walk out tapos hila pala ang kamay ko.
"Tsss... Magwo-walk out tapos isasama din pala ako?"
sabi ko habang kinakaladkad niya ako.
"Malamang! Asawa kita! Andami ng naiinggit sakin dito ohh."
"Huh? Saan"
Naiinggit daw? Sino? Saan banda?
"Grabe honey, kaya mo din bang gawin yun sakin?"
sabi ng lalaki sa gf niya yata."Ang sweet naman nung babae. Siya pa talaga ang nangharana."
"Ang swerte naman ni Dude. Putsa sana makahanap din ako ng ganyang babae."
sabi naman ng isa sa kasama niya.
"Oo nga pre! Swerte mo talaga pag nagkataon."
Hay naku. Mga lalaki nga naman talaga! Yan lang naman ang usapan ng mga lalaki na narinig ko habang pinag-uusapan kami nitong kasama ko. Talagang maswerte ang asawa ko sakin, pero tingin ko mas maswerte ako sa kanya.
"Tss... Ang sabihin mo takot ka lang mawala ako sayo!hahaha"
"Tss... Buti alam mo! Tara na nga! Kumain na tayo." aya niya.
Awtss. Tagos hanggang spinal cord. Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Kung takot siya, mas lalo naman ako. Ang hirap labanan ng takot ko na 'to. Paano mo pipigilan ang takot mo kung yung sarili mong isip ang kalaban mo. Ang takot na mabura ang lahat ng pinagsamahan niyo. Ang takot na baka sa isang iglap hindi na siya mapakilala ng isip ko. Ang takot na masaktan ko ang taong pinakamamahal ko.
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Novela JuvenilWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...