“There are two types of truth in this world: TRUTH that hurts, and TRUTH that will set you free.”
NAOMIE’S POV
Nandito na kami ngayon sa bahay nila Mama, sobrang saya ng lahat, si Mama, si Papa at mga anak at apo niya. Lahat sila nagkakasayahan, pwera lang sa amin ng asawa ko. Iniwan niya nga lang ako mag-isa at siya nandun sa sulok at nagmumukmok at lumalagok lang ng alak. Kanina pa siya ganun sa bahay, walang kaemo-emosyon, hindi namamansin, parang walang tao sa paligid niya na nage-exist. Hanggang sa makarating na nga lang kami dito sa kanila hindi pa rin niya ako iniimik, kaya nandito na lang ako sa kusina at nagpresinta na magluto kasama ang dalawang kapatid niyang babae. Kakatapos lang kasi sakin makipagharutan ni Russel, kaya ng mapagod siya dito naman ako tumulong sa kusina para maghain pa ng ibang kakainin sa party nila Mama at Papa.
“Ate Naomie, parang namumutla ka? Okay ka lang ba?”tanong ni Mica, sumunod kay Caloy.
“Oo nga ate, napagod ka ba ni Russel kanina? Ang kulit kasi nun eh! Magpahinga ka na lang kaya?”dugtong naman ni Rona, sumunod naman siya kay Mica.
Kanina ko pa kasi iniisip ang asawa ko, kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang nangyari. Hindi na rin kasi ako mapalagay sa pag-iwas niya sakin. Kaya medyo sumasakit na rin ang ulo ko. Hindi ko alam na namumutla na rin pala ako. Kulang rin naman kasi talaga ako sa dugo kasi Anemic din ako, kaya siguro ganun.
“Ahhh---wala to, huwag niyo na ako intindihin, dahil lang siguro to init kaya ganito ako, hayaan niyo mawawala din to.”pagdadahilan ko. Pero kanina pa talaga ako medyo nahihilo, dahil lang siguro sa pagod ko kaninang umaga sa pagluluto ko ng maaga.
“Sigurado ka ba Ate? Parang hindi mo na kaya eh. Magsabi ka lang hah?”si Rona
“O—o kaya ko pa. Madami pa tayong lulutuin na spaghetti oh, paborito to ng Kuya niyo diba? Kaya dapat makapagluto pa tayo.” Umiikot na talaga ang paningin ko, parang biglang lumalabo ang nakikita ko.
“Pero kasi Ate----parang hindi mo na kaya...”pag-aalangan ni Mica.
“No... medyo ka---ya ko p---“ hindi ko na kaya. Bumigay at natumba na ako.
“ATE NAOMIE!!!”
“KUYA CALOOOY!!!! Si ATE!!!!”
Wala na akong ibang narinig hanggang doon lang sa sigaw ng kapatid ng asawa ko. And next thing I knew, andito na ako sa puti kama ng ospital.
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at una kong nakita ang lalaking kanina ko pa iniisip, ang lalaking nakahawak ngayon sa kanang kamay ko, walang iba kundi yung asawa ko, si Caloy.
“Hu-hubby” unti-unti kong ginalaw ang maga kamay ko at nagising ko siya mula sa kanyang pagkakatulog.
“Naomie!” napitlag siya at agad akong niyakap.
Naluluha na ako. I really love this man.
Bakit pa kasi ako nagsinungaling sa kanya?
“Why did you do that? You scared me. Akala ko mawawalan na ako ng asawa.” He sincerely said at niyakap pa ako ng mas mahigpit.
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Teen FictionWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...