Chapter 37--- "Plan"

55 3 1
  • Dedicated kay Paul Jordan Gatinao Sierra
                                    

"Someday, someone is going to look at you, like you are the best thing in the world."

Carlo's POV

I was already late for dinner. Kanina pa akong kating-kati na umuwi sa bahay namin. Halos hindi ako mapakali sa tapat ng computer ko. Kung hindi lang sana talaga ito malaking project para sa company namin kanina pa ako nakauwi. Kinakabahan ako kasi hindi niya sinasagot ang mga calls and text messages ko. Ano kayang ginawa niya at hindi niyaan man lang nacheck ang phone niya kung may tawag o wala?

I really drove that fast after buying her an ice cream in one of the convenient store I passed by on my way home. Siguro naman hindi na siya magagalit sakin. Nangako pa naman ako na hindi malilate sa pag-uwi ngayon. Guilty as charge na naman ako nito!

Bumusina ako hudyat ng pagdating ko. Agad naman niya akong sinalubong sa labas ng pintuan namin at mabilis na niyakap. Gising pa pala siya? Medyo late na rin kasi, past 10 pm na rin kasi ako ng makauwi. Sinalubong lang niya ako ng nakangiti.

"Gising ka pa?"

salubong ko sa kanya at inabot sa kanya ang dala kong pasalubong.

"Sabi ko naman kasi sayo, I'll be waiting for my ice cream. Baka tunaw na to hah?"

"I dont think so... Kumain ka na ba?"

Pumasok na kami sa loob papuntang lamesa para kumain.

"Hindi pa! Hinintay kita eh."

"Sabi ko naman kasi sayo mauna ka na diba?"

"I can't. Maghihintay pa rin ako sayo kahit anong mangyari."

Iba ang tono ng boses niya ngayon. Parang may halong lungkot lahat ng mga salitang binitawan niya.

Hinainan niya na ako ng luto niyang Chicken Afritada. Mukhang masarap.

"Let us pray."

After blessing the food, nilagyan niya kagad ako ng kanin at ulam sa plato.

Napakunot ang noo ko matapos matikman ang gawa niya.

"Why? Is there something wrong?"

Nilunok ko agad lahat ng sinubo ko, andami pa naman nun.

I managed to smile though.

"Ah--medyo napadami yata ang asin natin Mie?"

"Hah? Asin? Maalat? Akala ko asukal yung huli kong nalagay to balance the taste. Maalat ba talaga? Patikim!"

Agad naman niyang tinikman ang luto niya.

"Eww.. maalat nga! ----

Sorry hubby. Hindi ko sinasadya talaga. Pasensya na...."

"Dont worry I'll fix this."

"Ako na -bby...."

"Just relax. Okay!? Ako na bahala dito."

Tumayo ako at binalik sa apoy ang niluto niya. Madali lang naman ito, dagdagan lang ng tubig at asukal. Pwede na yun ulit.

After few minutes.

"Ready to serve."

Nilingon ko ang asawa ko pero umiiyak na siya.

"Ohhh... What's wrong? Bat ka umiiyak?"

She's now sobbing.

"Ka--kasi... Wa---wala na a--akong nagawang ta---ma. Lagi na lang palpak!!!"

Linapitan ko siya para patigilin.

"Ang drama naman ng asawa ko? Napasarap ko naman ang luto mo eh, here...tikman mo!?"

Dirty Little Game called "LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon