CHAPTER 15--- "My fiancée is an artist?"

122 8 0
                                    

 “You don’t have to be perfect to anyone, it’s someone that has to find you perfect as you are.”

 

Naomie’s POV

 Nakatulog na pala ako sa sobrang pagod dito sa passenger seat ng sasakyan ng parrot na ‘to. Nasa labas siya ng mamahalin niyang black, tinted BMW car. May kinakausap siya sa cellphone niya. Sakto naming nakabukas ang bintana ng sasakyan niya, kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

“Yes bro, hahabol ako bukas. May inaasikaso lang talaga ako ngayon. Pakisabi na lang kay Mr. Kim iresched na lang pictorial bukas. Sige salamat brad.” Sabi niya sa kausap niya.

Pictorial? Bukas? Ireresched? Bakit? Model siya? Artista? Ano ba talagang work niya?Hmm... nakakaintriga talaga ang  parrot na ‘to. At pumasok na siya sa loob.

“Sinong kausap mo? Pwede bang malaman?”usisa ko sa kanya.

“Tss... Not so important to talk about. So, where do you want to go now?” he coldly asked.

“Ehh.. sabihin mo muna kung sino yun...please...please...please?”pagpapacute ko sa kanya. Tingnan natin kung sino di tatamaan ng karisma ko. Wala pang nakakahindi dito.

“AHHH... Huwag na kasing makulit! I said that’s not important. And don’t be too childish, it won’t work anymore.” Irita niyang sagot. Tssss...

Ang moody talaga ng taong ‘to. Minsan ang sweet tas ngayon ang sungit? Bipolar talaga!!!Pwede ba sa mga ganitong pagkakataon yung sweet side mo naman ang lumabas?Hmpf badtrip!

“Concern lang naman eh, baka nakakaisturbo na ko. Edi kung ayaw mong sabihin di huwag.....” tampo kunyari, sabay talikod sa kanya.

“TSSSS... He’s just a friend and we’re talking about my pictorial tomorrow, it supposed to be today, but I asked Mr. Kim to reschedule it by tomorrow.”he explained briefly.

Then he started the engine. Where are we going? Gabi na kaya?! I wanted to go home already.

“Sasabihin din naman pala pakipot pa? So you mean, model ka?” tanong ko sa kanya. Ngayon humarap na ko while wearing my precious smile.

“Yeah somehow, and... sometimes even more than that. I also do acting.” He said casually. OMG!? Don’t tell me, artista ‘tong mokong na to?

“Yes, what you think is right!”pang-aasar niya... nabasa niya yung laman ng utak ko? May kapangyarihan ba talaga siyang magbasa ng isip ng tao?

“WALA! Itigil mo nga yang pinag-iisip mo, halatang-halata lang talaga sa expression ng mukha mo at wala akong kapangyarihan, okay?” Paliwanag niya. OO NA! IKAW NA TALAGA!!!

“Hmpf... Uwi na tayo? Gusto ko ng matulog ng tuluyan eh, pwede?” tanong ko sa kanya.

Patuloy lang siya sa pagdadrive. Saan ba talaga ako dadalhin ng mokong na to?

Several hours had passed. We reached our destination. At ang ganda ng lugar. Hindi ko alam kung nasaan na kami banda. But I’m so sure, hindi naman kami lumabas beyond Metro Manila. Pero nasaan ba kami ngayon?Bumaba na siya ng kotse, at pumunta sa tapat ko.

At binuksan ang pinto para sakin.

“Welcome to my secret place!”sabi niya, as he asked for my hand to see the place. Without any doubt, I reached his warm and soft hand.

“How did you discover this place? It’s wonderful!” naamazed talaga ako sa place.

Para akong nasa isang magical garden na punung-puno ng naggagandahang ilaw. Para silang mga alitaptap sa dami. Tapos yung isang puno dun na may isang nakasabit na duyan, nagpapalit yung kulay, from pink to violet to red then to orange and yellow, with matching falling ice crystals pa.

Ang ganda talaga.

Tapos kitang-kita yung view ng city. As in WOW!!!

Tago talaga yung lugar kasi kaming dalawa lang talaga yung tao dito. May care-taker kaya siya? Baka nanunuod yun samin dito?hehe

 Until we decided to sit on that cute white painted swing, while watching the beautiful scenery.

“Did you like it?” bulong niya sakin. Nagulat ako, kasi bigla na lang lumabas yung sweet side niya.

He held my waist while saying those words. Nakakainloved na nga yung place, pati ba naman siya, dumagdag pa?

WAAAAAAAHHHHH!!! Ito na ba yung last day ko on Earth? Kukunin na ba ako ni God mamaya after this? Why is He allowing me to experience this kind of happiness right now? For sure, may kapalit ‘tong sadness afterwards...

“Nope, I don’t like it, coz I super love it!!! Thank you for bringing me here.” i replied to him with full of joy written on my face.

 Mas humigpit pa lalo ang yakap niya sakin. And we stay like that for a couple of hours. Ang gaan sa pakiramdam, alam niyo yung pakiramdama na, kahit walang salitang lumalabas sa mga bibig niyo, pero parang nag-uusap pa rin kayo at kuntento ka sa nangyayari?

Parang panaginip lang ang lahat ng mga oras na yun.

Ako kasama yung PA kong artista sa lugar na kaming dalawa lang ang nakakaalam, then we decided to go home, kasi late naman na talaga, past 11:00 pm na kami nakarating sa bahay namin, at nakatulog na naman ako sa biyahe.

At naramdaman ko na lang, somebody kiss my nose. Kaya naalimpungatan ako.

“Hmmm... Sino ba yan? Isturbo naman sa tulog eh...”reklamo ko, sabay hampas dun sa mukha ng katabi ko.

“We’re here, gusto mo bang buhatin pa kita papasok ng kwarto mo? Okay lang kung dun ako matutulog! Papayag naman siguro si Mama.”sabi nung boses.

Sino ba kasi yun? Ang pilyo naman ng pagkakasabi niya. Kaya binuksan ko na ang mata ko. Saka lang nagsink-in sa utak ko ang lahat. Kasama ko pa nga pala ang parrot na to?

“Ahhhh... hehe hindi na! No need! You can now go home. Ingat ka hah?! Delikado sa daan. Salamat sa lahat!” sabi ko sa kanya, sabay baba ng sasakyan niya.

Pero bigla niyang hinatak ang kamay ko, at pinigilan akong bumaba.

“Wait lang. Just give me a minute.” Then he hugged me.

Nagulat ako sa ginawa niya.

“Bakit?”tanong ko bigla.

“Mamimiss kita!” simpleng sagot niya.

So I hugged him back. Hindi ko alam kung bakit, pero utos ng utak ko.

Hindi na ako umimik. I just let him do what he wanted.

And from that moment, I realized to myself, mahal ko na nga ang lalaking ‘to.

Time had passed.

Sa ganung kaikling panahon? Parang kalian lang inaaway ko pa to sa loob ng hospital, kinukulit ako sa bahay, at nakasama ko ngayon sa kung saan. Tapos MAHAL KO NA AGAD? Ang babaw ko naman na yata?

At ang bilis naman yata masyado? This is not ME! What happened to you Naomie?

“Can I go now?” i asked him, napatagal yata ang yakapan namin.

“Ahhh... yeah! Ba---bye... Good night.”he mumbled and removed the hug.

Nakaramdam ako ng lungkot.

So....

“Good night. Bye! Thank you again for this unforgettable day.” I kissed him goodbye. Sa cheeks lang.

Then he started the engine and moved away from me. Lalong lumungkot yung paligid habang nakikita kong palayo sakin yung sasakyan niya.

Pakiramdam ko mawawala na siya sakin ng tuluyan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

(AUTHOR'S NOTE)

Nilalanggam na ako. HAHAHAHA SILA NA TALAGA!!! XD

Dirty Little Game called "LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon