"Sa buhay natin, marami tayong taong nakakasalamuha. Yung iba napadaan lang, yung iba naman napatambay lang. At meron din namang nagtatagal, minsan nga sinasamahan ka pa sayong paglalakad. Ngunit sadyang darating ang araw na mapapagod kayong dalawa at magkakahiwalay din sa isa't-isa."
Carlo's POV
Hindi ko na siya winaglit sa paningin ko simula ng mahanap ko siya. I never let go of her hand just to secure myself that I will never lost her again. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala siya. Hindi ko alam kung anong pwede kong magawa pag nawala siya ulit sakin. Kaya't hinding-hindi ko hahayaang mangyari sa amin yun.
Pabalik na ulit kami sa hospital na tinutuluyan ni Papa ngayon. Ramdam ko ang lungkot at bigat ng pakiramdam ng asawa ko sa mga oras na to. Mas makabubuti pa yatang umuwi na kami kaagad para makapagpahinga na rin siya.
"Pagod ka na ba? Umuwi na kaya tayo? Magpapaalam lang tayo kay Mama."
Nagulat siya yata sa biglang pagsasalita ko. Bakit parang kinakabahan pa rin siya sa mga oras na ito? Kasama niya naman ako. Hinarap niya ako. I can see the problem written in her eyes.
"I need to tell you something important."
Kinakabahan ako sa bawat salitang binibitawan niya.
Napahinto kaming pareho sa paglalakad. Humugot muna ako ng malalim na hininga saka muli siyang tinanong.
"Ano yun? Just tell me."
Biglang binaba niya ang tingin niya sa sahig. Umiiyak ba siya?
"Darating ang araw na iiwan din kita. Kaya dapat masanay ka ng mabuhay mag-isa."
Tama ba ang naririnig ko?
"What are you saying? Iiwanan mo ko?"
"Yun ang mangyayari kahit hindi ko man gustuhin." Hinarap niya ako. Lumuluha na nga siya.
"Pero bakit?!!!" napalakas na ang tono ng boses ko.
Napatingin na ang ibang taong nandito sa hospital sa gawi namin. Pero wala akong paki. Ang gusto ko lang malaman ngayon ay ang dahilan niya kung bakit niya ako iiwan. Ano bang nagawa ko sa kanya para gawin niya yun sakin?
"May sakit ako! At darating ang araw na di na kita tuluyang makikilala. Hindi ko na maaalala ang pangalan mo, ang mukha mo, at kung ano at sino ka sa buhay ko... Ka—-kaya habang maaga pa, please sanayin mo ng mabuhay ng wala ako sa tabi mo."
"Hindi!"
Pagmamatigas ko. Kahit kailan, hindi ako papayag na gawin yun.
"Carlo..." Pagmamakaawa niya sakin. Pinunasan ko ang namumugto niyang mga mata sa luha. Dapat ko tong kayanin. Hindi ako makapapayag.
"Tara na. Tatawagan ko na lang si Mama mamaya para sabihin na nakauwi na tayo. Tingin ko pagod ka lang."
Magsasalita pa sana siya ngunit agad ko siyang hinila papunta sa parking lot kung nasan ang sasakyan namin. Agad ko siyang pinapasok sa tabi ng driver's seat at nilagyan ng seatbelt.
Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Kahit ano pang klaseng sakit ang meron siya ay hinding-hindi ko gagawin ang sinasabi niya. Hindi ko na ulit gugustuhing mabuhay pang mag-isa. Hindi ko na kaya. At mas lalong hindi ko na kayang mawala siya ulit sa piling ko.
6:00 PM na nang makarating kami ng bahay namin. Hindi niya ako kinakausap at patuloy pa rin siya sa paghikbi niya. Agad siyang dumaretso sa aming kwarto at nagpatuloy sa pag-iyak. At ako naiwan dito sa sala na hanggang ngayon ay tuliro.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba siya nagkakaganun? Ano bang sakit niya? Kailangan ko siyang makausap tungkol dun. Kailangan kong malaman kung ano ba ang dinaranas niya ngayon.Hindi ako aalis sa tabi niya, mas higit niyang kailangan ako ngayon lalo na sa mga oras na ito higit kaninoman.
"Naomie..."
Napatingin siya bigla sakin ng agad kong buksan ang pinto ng kwarto namin.
Bakas pa rin ang lahat ng nararamdaman niya sa kanyang mga mata. Ang mga mata niya na kahit kailan ay di kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman nito.
Agad ko siyang nilapitan at kinulong sa yakap. Kahit kailan hinding-hindi ko makakalimutan ang ganitong kasarap at kapayapang pakiramdam sa tuwing kasama ko siya, siya sa tabi ko at hinahagkan ang bawat isa.
"Shhh... Tahan na. Sabihin mo sakin kung ano bang dahilan bakit nasabi mo yun? Handa akong makinig. Handa akong intindihin ka. Huwag ka lang aalis sa tabi ko." Mas hinigpitan niya pa lalo ang pagitan sa aming dalawa. Ramdam ko ang takot na mensahe ng mga yakap na yun. Ramdam ko dahil alam ko ang tunay niyang nararamdaman sa mga oras na ito.
"Maybe now is the right time for you to know about this. A—ayoko ng maglihim pa dahil alam kong may karapatan kang malaman ang bagay na to."
Humiwalay ako ng kaunti sa kanya para makita ang bigat na dinadala niya ngayon. Agad kong pinawi ang kanina pang dumadaloy na butil ng mga luha sa kanyang maamong mukha.
"Just tell me wife. I'm always ready to listen."
Kumuha muna siya ng malalim na paghinga bago muling magsalita.
"I've been diagnosed to have Alzheimer's disease.
Hindi ko alam kung... kung paano nagsimula, kung kelan at kung kanino ko namana to.
At darating sa punto na lahat ng alaala ko ay mawawala ng parang bula.
Ikaw! Si Mama at lahat ng mahal ko sa buhay ay tuluyan ko ng
hindi makikilala." Unti-untng bumilis ang pagsalakay ng mga luha mula sa kanyang paningin.
"H—-hindi na kita makikilala. Hindi ko na maaalala kung sino ka sa buhay ko. Kung ano at sino ba ako sa buhay mo. Kung gaano kita kamahal at kailangan sa buhay ko para ipagpatuloy pa ang laban na to!Paano na tayo? Paano na ako? Paano ka na pag tuluyan ng inalis sakin ang masasayang alaala ko sayo?Paano pa kita maalala?"
Tears started raining down her beautiful face. Hindi ko namalayan, pareho na pala kami ng dinaranas.
Niyakap ko siyang muli.
Ng mas mahigpit at mas mahigpit.
Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Kung gaano ako katakot na mawala siya.
Na kahit kailan ay hinding-hindi ko siya iiwan.
Kahit ang ibig sabihin nito ay pwede niya na akong mawaglit sa kanyang isipan.
Ang sakit! Bakit kailangang sa kanya pa mangyari to? Bakit sa amin pa? Masyado na ba akong maraming kasalanan sa Diyos kaya niya pinapadanas ang lahat ng hirap na to? Bakit ngayon pa? Bakit naman sabay-sabay pa?
Hindi ko namalayan at pareho na pala kaming nakatulog na magkayakap ang bawat isa. Holding each other's arms, finding our own place of serenity.
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Teen FictionWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...