“Everyone wants to find love, fall in love and live happily ever after... but not everyone will let someone love them, they make it so hard to love and make it so hard for them to show love too.”
(please play the song friend of mine by MYMP sa gilid...
para ramdam nio...haha)
SARA’S POV
ANG SAKIT! Sobrang sakit!
Talo pa yung sakit na mararamdaman mo kapag naranasan mong mapalo ka ng tatay mo ng sinturon dahil di ka sumunod sa utos niya o kaya di ka natulog ng hapon.
Yung mapalo ka ng teacher mo sa kamay kasi hindi ka gumawa ng assignment o kaya nakapagpagupit ng kuko sa daliri.
Yung binunutan ka ng ngipin ng wala man lang anestisya.
Parang sinampal ako ng taong mahal ko kaliwa’t-kanan kahit hindi naman niya nadadampian man lang ng ni isang daliri ang mukha ko, dahil sa mga salita niyang binitawan. Gusto ko ng kainin na lang ako ng lupa sa mga pinagsasabi niya kanina. Napakamanhid talaga! Nakakainis! Letseng puso to!!! Sa maling tao pa kasi nagmahal. Sa taong PA-FALL pa!? Sa tao pang PAASA!!!? Ang tanga mo talaga!!!
FLASHBACK
It’s already 7:00 PM ng magising siya.
Nakatulala lang siya, malalim yata ang iniisip niya. Wala na sigurong lagnat.
“Oh gising ka na pala? Wala ka na bang lagnat? Lakas din ng tama mo nuh, sumugod ka pa sa ulan? Problema natin brad?” singit ko sa pagmumuni-muni niya, baka matuluyan na eh. Magkaroon pa ko ng kaibigang baliw.
Huminga muna siya ng malalim bago magsimulang magsalita at ayun kinwento niya ang lahat ng nangyari, kung bakit siya dumating na basang-basa dito sa bahay ko mula sa paghihiwalay nila ni Naomie.
“AAAAHHH... Kaya pala naligo ka ng di oras at nilagnat, dahil pala sa kanya!? I see!” sabi ko sa kanya.
“Oo.” Yun lang ang nasagot niya. TANGA RIN TOH?! GAYA KO!
“So anong balak mo? Susuko ka na lang agad? Ganun-ganun na lang yun? Ang tagal mong hinitay yung pagkakataon na to na muli kayong magkita, tapos itatapon mo na lang lahat agad-agad?” tanong ko sa kanya.
Sige lang Sara, lokohin mo rin sarili mo, kunyari di ka nasasaktan. I thought to myself.
“Hindi!” walang alinlangan niyang sagot.
SAMPAL SA KANAN!
OUCH!!!! TALAGA!!!
“Oh yun naman pala eh. Diba nasabi mo na may sakit siya ngayon dahil sa sarili mong kagagawan? Hindi kaya ginagawa lang niyang excuse ang pagkakaroon niya ng sakit na yun para layuan mo siya? Para hindi mo siya kaawaan? Kung talagang mahal mo siya, hindi mo hahayaang isipin at maramdaman niya yun. Dapat nandun ka sa tabi niya ngayon at pinapatunayan sa kanya na totoo yang pagmamahal na meron ka para sa taong yun.
Ang tanong mahal mo ba talaga? Pagsesermon ko kunyari sa kanya.
HUWAG KANG MAKINIG SAKIN, mabulaklak lang din talaga ako magsalita. Hindi totoo lahat ng sinasabi ko.
Parang baliw naman na talaga ako sa kausap ko na to? Iba ang sinasabi ng puso ko sa isip ko.
“SYEMPRE NAMAN!!! MAHAL NA MAHAL! Maghihintay ba ako ng ilang taon sa kanya kung hindi ko siya talaga mahal? Kaya nga wala akong ibang babaeng sineseryoso mula noon diba? Ngayon lang! At sa kanya lang! Alam mo naman yun diba?” proud niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Ficção AdolescenteWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...