CHAPTER 8--- “PLEASE WAKE ME UP!”
Naomie's POV
“Psst... Best?! Okay ka na ba?” una kong narinig na boses ng babae.
“Asan ako? Nagising na ba ako? Kanina kasi nakita ko yung kamukha ng....... WAAAAAAAAAHHHHHH!!!!” sigaw ko, pagkamulat ko ng mga mata ko.
“hoy wag ka nga maingay diyan!mukhang okay ka na. Malakas ka na ulit."
“BESSIE? CASSIE?!! (sabay pisil sa mukha niya) IKAW BA ULIT YAN?”
“Best? OK ka lang? Kanina ka pa ganyan. Ganyan ka rin kasi bago kita dalhin dito eh at mahimatay ka. Ang weird mo talaga ngayon! Wala ka namang lagnat sabi ni Mrs. Velez. OK ka lang ba talaga?"
Si Bessie nga talaga ang kasama ko at nasa clinic kami ngayon, kasi nahimatay daw ako kanina. Ano ba to? Hindi na magandang form to ng hallucinations hah?!
PLEASEEEEE pakigising na po ako!
“Eeeehh...hehehe Bessie di nga talaga maganda pakiramdam ko ngayon. Masamang-masama talaga. Sige balik ka na ng room, kayak o na sarili ko.”sabi ko na lang sa kanya.
“Sure ka? Kaya mo na mag-isa?”—cassie
“Oo naman! Masasanay din ako. Pahinga lang to. Pag okay na ko babalik ako agad ng room. Promise!”
“Sige... pahinga ka na hah? Baka masyado mo lang kasi naiisip si Carlo kaya ganyan ka. Hahaha babye best!” sabi niya sakin sabay hug at umalis pabalik ng room...
At nawala na siya, ako na lang mag-isa sa clinic.
“THIS CAN’T BE REAL!!! Ayoko ng ganito! Dalhin mo na ako sa future wag lang sa past God! Please lang po!” I prayed to God as I sit from this small bed.
Several minutes later...
Tulala pa rin ako at kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.
Nang bigla dumating yung isang bff ko, si Ivy ang babaeng misteryosa sa grupo, napakatahimik kasi eh, dadaldal lang pag kinausap mo, pero pag siya lang hindi yan magsisimula ng usapan.
“Okay ka na ba Naomie? Pinapunta ako dito ni Cassie kasi hindi daw sya mapakali sayo eh, nag-aalala talaga siya sayo, may kakaiba daw kasi sayo.”—kwento ni Ivy
“Hmm medyo, salamat pumunta ka. Ivy may itatanong ako sayo, pero wag mo akong tatawanan ahh?”
“Sige...seryoso!”—Ivy
“Sige, naniniwala ka ba sa time travel? What I mean, yung posibilidad na pwede kang maibalik sa nakaraan mo? Yung tipong ganun. Gets mo ko diba?”tanung ko.
“Oo! Pwede yun! At naniniwala ako. So?”—Ivy
“Pakiramdam ko kasi... nasa ganun ako ngayon...hehehe”
“Paano kung binibigyan ka ng chance ni God para baguhin ang nakatakda, aayon ka ba dun o hahayaan mo na lang na... siya na ang magpasya?”—Ivy
“Anong ibig mong sabihin? Ang lalim naman nun.” Sabi ko na lang.
“Basta balang araw magegets mo rin yung riddle ko. Pahinga ka na. Madami ka yatang natake na asin. Sleep na...”--- after sabihin yun ni Ivy,
pinahiga niya ako sabay pinat ang ulo ko at pinatulog.
“Paano kung binibigyan ka ng chance ni God para baguhin ang nakatakda, aayon ka ba dun o hahayaan mo na lang na... siya na ang magpasya?”
“...siya na ang magpasya?”
“...siya na ang magpasya?”
“...siya na ang magpasya?”
Baguhin ang nakatakda? O siya na ang magpapasya?
Binibigyan ako ng chance ni God para baguhin ang nakatakda?
O hahayaan ko na lang siya? Those thoughts keep running on my mind until I fall asleep.
(AUTHOR'S NOTE)
Naranasan niyo na rin ba yang ganyang pangyayari, yung parang totoo ang lahat ng panaginip mo? Hmmm.. well ako, naranasan ko na rin talaga yan, tapos yung magigising ka na parang malaglag ka na lang sa kama, kahit hindi naman!
:P
#AMBANGO NG VANILLA PERFUME! GREAT ONE SPOV! :))
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Novela JuvenilWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...