CHAPTER 12 --- “The Promise”
“When you meet the right person, you know it. You can’t stop thinking about them. They are your best friend, and your soulmate. You can’’t wait to spend the rest of your life with them. No one and nothing else can compare.”
CARLO’S POV
“WHAT!!!? Mama? Totoo ba yun? No it can’t be.” Naomie asked to her Mom. Silly... I already talk to your Mom and I already made a promise to her. There’s no used!
FLASHBACK
Pabalik na ako ng kwarto ni Naomie ng makita kong may papasok na doctor patungo dun. Nagising na kaya siya? Binilisan ko ang lakad ko, hanggang sa marating ko ang pinto na kinaroroonan niya. Bigla akong kinabahan sa mga narinig ko.
Naomie? Naomie?Anong nangyayari?”nag-aalalang tanong ng mama ni Naomie.
“Ma!!! Ang sakit ng ulo ko, bakit ganito?MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!”
Tumulo na lamang bigla ang mga luha ko sa mga narinig ko. Nanghina ang buo kong katawan at napasandal na lamang sa pader na nasa likod ko.
“Anak, kaya mo yan, lumaban ka... Nak, pakitawag na yung doctor dali!!!! Naomie kaya mo yan!!!...”
“MAMAAAAAAAAA!!! Hindi ko na kaya!!!!!Sobrang sakit na!!!”
Parang nararamdaman ko yung sakit na nararanasan ngayon ng taong mahal na mahal ko. Bakit kailangang danasin pa niya yun. Bakit sa sarili ko pang kagagawan? Patuloy lang ako sa pagluha. Hanggang sa napagod na ang aking mga mata.
2nd FLASHBACK
Lumabas na lahat ng tao sa kwarto ni Naomie, kaya agad akong pumasok dito.
“Mahal mo ba talaga ang anak ko?” nagulat ako sa biglang pumasok, Mama pala ni Naoime. Nakita niya kaya yun?
“Ahhm pasensya na po sa isturbo.”
“Kami nga ang nakakaisturbo sayo, araw-araw ka nalang nandito, halos dito ka na nga tumira mabantayan lang ang anak ko, hindi ka pa ba nagsasawa?” usisa ng mama niya.
“Hindi po mangyayari yun.”simple kong sagot.
“Paano kung hindi na talaga siya gumising? Halos sampong buwan na siyang ganyan. Gusto ko ng sumuko para sa kanya anak. Ayoko ng nakikita pa siyang nahihirapan ng ganyan. Pero ng magising siya kanina, nabuhayan ako ng pag-asa. Hindi kami pinapabayaan ng panginoon.” Mangiyak-ngiyak niyang sambit habang hawak-hawak ang kamay ni Naomie.
“Magigising at makakasama po natin ulit siya. Naniniwala po ako doon. Hindi po tayo pababayaan ng Diyos tita.” Sabi ko sa mama ni Naoime habang dinadamayan siya.
“Pero kahit magising siya, malaki ang posibilidad na hindi niya na maalala ang ibang mga bagay at tao na na nangyari at nakilala niya.”sagot ng ni tita. Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya.
“Pero bakit po?”tanong ko.
“Meron daw siyang post-traumatic amnesia sabi ng Doctor, dahil daw sa aksidenteng dinanas niya at meron pa daw silang inaalam na pwede pa niyang maging sakit. Malaki daw ang naging epekto nun sa utak ni Naomie at maswerte pa daw at muling nagkamalay pa siya. Bakit nangyayari to?” tanong ni tita habang umiiyak.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Bakit sa kanya pa kailangang mangyari yun? Bakit ngayon pa kung kailan nakita ko na siya?
“Tita tahan na po, sigurado po akong ayaw ni Naoime kayong nahihirapan. Kakayanin po ni Naomie ang lahat ng ito. Kaya dapat tatagan pa po natin ang ating mga sarili para po sa kanya. Maaalala pa rin po niya ang lahat, tutulungan ko po siya.”pagpapatahan ko kay tita.
“Pero paano?”tanong ulit ni tita.
“Ganito po....” sinabi ko lahat ng plano k okay tita para sa ikagagaling at ikababalik ng memorya ni Naomie at pumayag naman ito agad, pero dapat daw dahan-dahanin lang daw namin, hanggang sa maalala niya na ang lahat. Hanggang sa maalala niya na ako.
“Salamat po tita!!!”at niyakap ko sya bilang pasasalamat.
“Huwag mong pababayaan ang anak ko ha? Mama na lang... Hindi ako sanay tawaging tita. Alam ko na kung gaano mo kamahal ang anak ko. Hindi ka nawawalan ng oras at pag-asa sa kanya. Kahit hindi ko pa alam ang kwento ng love story niyo, sigurado ako napamahal talaga sayo ang anak ko.” Sabi ni Mama.
Hindi mawala ang ngiti ko sa aking mga labi. Parang wish granted agad?
“Opo Mama! Hinding-hindi ko na po siya pababayaan kahit sa kabilang buhay man. Maraming salamat po at napatawad niyo ako.”madrama kong sagot, and still hugging her.
At di natapos dun, kinulit ako ni Mama na ikwento kung paano kami nagkakilala ni Naomie, at tawa siya ng tawa saming dalawa. Hindi daw siya makapaniwala na ganun daw pala talaga kasunurin ang anak niya. Pati daw sa gandang lalaki kong to, tinanggihan niya noon. Hahaha nakuha ko na ang loob ng future biyenan ko! Ansaya talaga!
..
.
.
.
(AUTHOR'S NOTE)
Biyenan?HAHAHAHAHA GO CALOY!!!! PUSH MO YEEEN!!! XD
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Roman pour AdolescentsWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...