"Being in a relationshipisn't about the kissing, the dates, or the showing off. It's about being with someone who makes you happy in a way no one else can."
CARLO’S POV
I’m a married man now. Parang kailan lang ng marami pa kong niloloko, pinapaiyak, pinapaasa, at sinasaktan na babae. Lahat yun tinigilan ko na nang muli kong makita itong babae sa harapan ko na sarap na sarap sa luto ko at ngayon, ang Mrs. Gomez ng buhay ko.
Putsa! Kabadingan naman tong mga pinagsasabi ko.
Ganito naman talaga pag nagmamahal ka diba?
Lahat ng mga corny-ng salita, nababanggit mo; lahat ng hindi mo akalaing bagay na imposibleng mangyari, nagagawa mo para mapasaya lang siya; makita mo nga lang mukha niya, feeling mo kumpleto na ang araw mo, paano pa kaya pag ngumiti sya dahil sayo? Ang sarap sa pakiramdam! Para ka lang talagang lutang na ngumingiti din sa loob mo.
Ang laki ng pinagbago ko dahil sa taong ‘to. Hindi ko nga alam kung paano, basta ang alam ko lang handa kong iwan ang lahat para sa kanya. Dati akong part time model, habang nag-aaral ako ng Culinary Arts yun naman ang pinagkakaabalahan ko para na rin may pangtustos sa kurso ko, masyado kasing magastos. Kaya rumaraket paminsan-minsan, dahil lang din naman yun kay Mark, kaya ako napasabak sa mundong yun. Pero ng makagraduate na ako, iniwan ko yun. Oo, masaya ako dun, pero sa mundong yun naging masama akong lalaki, aminado ako marami akong nasaktang babae, pero nagbago na ang lahat ng yun ng makita ko ulit yung unang babaeng kinalokohan ko noong high school pa lang ako, si Naomie; at ngayon ASAWA ko na.
Siya lang naman ang dahilan kung bakit ko binago ang lahat sa sarili ko. Siguro kasi noong unang magkakilala kami takot ako sa kanya, sobrang taas niya kasi para maabot, parang kung ikaw yung lalaking magtatangkang manligaw sa kanya dapat marami kang maipagmamalaki sa katauhan niya. Hindi ko nga ma-explain kung anong meron siya nun. Basta ang alam ko lang siya yung babaeng hindi dapat PAIYAKIN, SAKTAN O LOKOHIN ng sinomang lalaki.
Kaya nga nung nakita ko siya ulit sa loob ng simbahang yun, hindi ko na pinalagpas ang pagkakataong yun para makilala niya na ang bagong ako. Yung Carlo na meron ng maipagmamalaki sa kanya, yung tao na handang magbago para lang sa kanya, at handang iwan ang lahat para hindi ko siya masaktan.
Iniwan ko ang mundo ng modeling dahil sa kanya, kasi nga sa lugar na yun ako maraming nagawang kasalanan na pinagsisihan ko na. Sinabi ko naman sa kanya lahat ng yun, at swerte ko nga tinanggap niya pa rin ako kahit napaka-play boy ko, pasensya na natural na gwapo eh? Anong magagawa ko? Sisihin ko magulang ko? HAHAHA
But for now, I am a current food blogger and editor in chief sa isang food magazine, since may background knowledge naman ako sa pagluluto, kaya ayun, nagagamit ko naman siya sa work ko. Hindi na ako nag-apply pa sa ibang restaurant to become one of their chefs, kasi I’m currently the official head chef of Naomie Santiago-Gomez! Ang hirap kaya ng trabahong yun! Parang sa tuwing paglulutuan ko siya parang final exam sa college, hindi mo alam kung papasa ka ba o hindi after niyang matikman ang gawa ko, paano ba naman kasi marunong at mahilig din kasi siyang magluto gaya ko. Kaya pag tumaas na o kaya nagsalubong na ang kilay niya, feeling ko may mali sa ginawa ko at iiwan niya na ako. Pero salamat na lang sa Diyos at hindi pa rin niya ako iniiwan sa mga hinahain ko sa kanya!!!HAHAHA
Siya lang kasi yung nag-iisang babae na gustung-gusto kong paglutuan at pagsilbihan habang buhay, bukod sa Mama ko syempre. Wala na kasi akong mahihiling pa. Basta para sakin, kumpleto na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/21175836-288-k540602.jpg)
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
JugendliteraturWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...