“You can say sorry a million times, say I love you as much as you want, say whatever you want, whenever you want. But if you’re not going to prove that the things you say are true, then don’t say anything at all. Because if can’t show it, your words... don’t mean a thing.”
NAOMIE’S POV
Nakatulog na pala ako dito sa kwarto ko sa kakaiyak maghapon. Magang-maga ang mga mata ko after ng nangyari samin kanina. Hindi ko na ininda yung basa ng damit ko, basta ang alam ko lang sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang hanggang ngayon pinipiga pa rin yung puso ko sa sakit. Kasalanan ko rin naman yun diba? It’s my choice, kaya nasasaktan ako ngayon. Kaya mas lalong naging tsinita itong mata ko ngayon! Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Parang lalagnatin na rin ata ako. Bakit hindi ko kasi naisipan kaninang magpalit, yan tuloy.
“HACHOOOO...” sabay kamot ko sa ilong ko. Giniginaw na rin ako. Ang bigat sa pakiramdam. Buti na lang wala kanina si Mama kung hindi, nasigawan na naman ako.
Sinilip ko yung labas sa bintana, gabi na rin pala, kaya medyo nagugutom na rin ako. Pero parang ayoko pang kumain.
Umuulan pa rin? May bagyo na ba?
Ang alam ko lang kasi, may bagyo sa puso ko ngayon.
Pumasok kasi si Bagyong Caloy sa Naomie’s Area of Responsibility o NAR. (Naisip ko yun?)
Ang lungkot talaga. Pinaalis ko na nga yung bagyo sa nasasakupan ko pero parang gusto ko pa rin siyang muling bumalik at maranasan yung hagupit niya.
Siya kasi yung tipo ng bagyo na gugustuhin ng lahat ng babae na maranasan, iba kasi yung dalang hangin niya sa kasweetan, kahit minsan napaka-moody niya.
Ganun naman talaga ang bagyo diba? Pabago-bago.
Minsan maaraw, minsan naman maulan talaga.
Ako din naman ganun eh, pabago-bago ng sinasabi. Kahit iba naman talaga yung gusting iparating ng puso ko sa isip ko. Hindi sila nagkakasundo pag dating kay Carlo.
I checked my phone, past 7:00 PM na rin pala.
Kaya sinubukan ko na ring bumangon para lumabas na ng kwarto ko
nang biglang...
“NAOMIE...”
Tama ba yung nakikita ko? I blinked my eyes twice... no thrice...
(*____*)
(*____*)
(*____*)
(O____________O)
Tama ba talaga yung nakikita ko?
“CA---CARLO? Anong ginaga...” hindi niya na pinatapos yung sinasabi ko,
kasi bigka na lang siyang lumapit sakin
at...
HINALIKAN AKO
sa lips?
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Teen FictionWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...