CHAPTER 21---" RISK AND TAKE"

110 7 0
                                    

“Don’t rush into love, because even in fairytales, the happy ending takes on the last page.”

MARK’S POV

YES! Sa wakas may POV na rin ako. (^___^)Y

By the way ako nga pala si Mark Anthony Delos Santos, my friends called me Mac or Mark.Si Caloy, best budd ko na talaga yan mula high school. Kasama ko yan sa lahat ng pangba-babae ko eh. Pero ako talaga ang tunay na chick-magnet sa aming dalawa, kahit lamang yun ng 0.05 na paligo. Seryoso kasi masyado eh, hindi katulad ko, cool, swabe lang, friendly, lalo na sa mga magagandang chikababes. Ngiti ko pa lang, didikit na sila sakin. Active school participant ba naman ako eh, ewan ko nalang kung di pa nila ako makilala, eh halos buong araw ko na yata nasa school na ako.

Pero ngayon part time model na rin ako gaya ni Caloy, dinamay ko lang yun sa mga raket ko. Wala kasi talagang hilig yun sa maraming tao, pinilit ko lang para makalimot naman siya sa mga roblema niya. And yun na nga, nagustuhan naman niya hanggang sa naging tuluy-tuloy na.

Hindi ko nga maalala paano kami naging magkaclose nun eh, basta natatandaan ko kasama ko siya sa trip ko noon, yung sisit-sitan namin yung isang babae sa harapan namin at ngingitian ng wagas. (Hindi ngiting manyak hah?! Iba na yun, at hindi ako GANUN!)

Tapos pag ngumiti siya pabalik, makikipag-kilala na kami, I mean ako pala. Style ko lang yun noon to gain friends, specially girls, kaya marami akong kakilala noong high school. At ito namang si Caloy-kolokoy, naasar yata nung minsang biniro ko na gawin din yung ginagawa ko. Hinamon ko siya noon, na pag meron isang babaeng mahaba ang buhok na medyo boyish ang dating at nginitian siya pabalik after niyang gawin yung style ko, ililibre ko siya ng 1 week. At pumayag naman yung mokong. At doon niya nameet yung kinababaliwan niyang babae hanggang ngayon na si Naomie.

Tinamaan ang gago sa pagsusungit sa kanya ng dalaga. Hindi niya kasi akalain na merong babae ang hindi mamansin sa kanya pabalik.

HAHAHAHAHA LAUGHTRIP talaga kami nun!!!

FLASHBACK

“Mahabang buhok na babae pero boyish ang dating hah?! Tignan natin yang sex-appeal mo kung may laban sakin.”paghahamon ko kay Caloy.

Nakatayo kami dito sa tapat ng room namin, since may mini terrace naman kami at dinadaanan ng maraming estudyante kasi papunta ang room namin malapit sa canteen, break time kasi namin noon.

“Yabang! Sige! Ikaw pa pumili ehh!!!” sagot niya. So naghanap agad ako ng isang guinea pig.

“Ayun, yung babaeng paparating! Galingan mo ha?! Baka mapahiya yang mga angkan mo dahil sayo?!” hahaha lakas ko talagang mang-asar.

“HUH?! Watch and LEARN!!!” yabang din talaga ng ungas na to, sabi niya sabay sandal sa bakal sa terrace. Dumadaan na si Ms. Guinea pig.

“SIT-SIT!!!!”

ONE... hindi lumilingon yung babae.

Dirty Little Game called "LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon