“Quitters never win. If you really want it, FIGHT for it.”
CARLO’S POV
My head still hurts. Nandito nga pala ako kila Sara. It’s already 7:00 PM ng magising ako, napahaba yata ang tulog ko. Pero sana hindi na lang ako nagising. Mas maganda pa yung panaginip ko kesa sa totoong buhay ko. Kaso lang hindi, sinasampal pa rin ako kaliwa’t-kanan ng katotohanan na hindi ako MAHAL ng taong MAHAL NA MAHAL KO! Ang sakit diba? Ano pa bang kulang sakin? Hindi ko ba napatunayan na mahal ko siya?
What should I do to make her believe that my love is true; that she’s the only girl I crazy, deeply and badly wanted; that I can’t even leave anymore without her by my side?
What should I do?
Tulala pa rin ako after all what happened.
“Oh gising ka na pala? Wala ka na bang lagnat? Lakas din ng tama mo nuh, sumugod ka pa sa ulan? Problema natin brad?” napatingin ako sa nagsalita, si Sara pala.
Sigh. I pull a big deep breath before I talked. I know I can trust her with this matter.
Siya lang naman yung taong nalalabasan ko ng ganitong mga problema. Yung taong handang makinig sa mga ganitong kwento ko at hindi ako tatawanan. Buti na lang talaga lagi siyang nandiyan para sakin. At sinabi ko nga sa kanya ang lahat ng nangyari kung bakit ako napunta sa kanya dito ngayon.
“AAAAHHH... Kaya pala naligo ka ng di oras at nilagnat, dahil pala sa kanya!? I see!” sabi niya.
“Oo.” Yun lang ang nasagot ko.
“So anong balak mo? Susuko ka na lang agad? Ganun-ganun na lang yun? Ang tagal mong hinitay yung pagkakataon na to na muli kayong magkita, tapos itatapon mo na lang lahat agad-agad?” tanong pa niya.
Napaisip ako sa sinabi ni Sara. Oo nga! May punto siya dun. Bakit hindi ko yun naisip kanina?
“Hindi!” agad na sagot ko.
“Oh yun naman pala eh. Diba nasabi mo na may sakit siya ngayon dahil sa sarili mong kagagawan? Hindi kaya ginagawa lang niyang excuse ang pagkakaroon niya ng sakit na yun para layuan mo siya? Para hindi mo siya kaawaan? Kung talagang mahal mo siya, hindi mo hahayaang isipin at maramdaman niya yun. Dapat nandun ka sa tabi niya ngayon at pinapatunayan sa kanya na totoo yang pagmamahal na meron ka para sa taong yun.
Ang tanong mahal mo ba talaga? Pagsesermon niya.
Hindi ko alam madami pala talagang alam tong best friend ko na to tungkol sa LOVE. Parang LOVE EXPERT EH? Na-inloved na ba to? Ang swerte naman nun!!! Sana makilala ko kung sino sya! At pag pina-iyak niya tong best ko, ako ang makakalaban niya. Tingnan lang natin lakas ng katawan niya... huh!!!
“SYEMPRE NAMAN!!! MAHAL NA MAHAL! Maghihintay ba ako ng ilang taon sa kanya kung hindi ko siya talaga mahal? Kaya nga wala akong ibang babaeng sineseryoso mula noon diba? Ngayon lang! At sa kanya lang! Alam mo naman yun diba?” pagmamalaki kong sagot sa kanya.
“SO? Ano pang gingawa mo ngayon diyan sa sofa ko? Tumayo ka na diyan at puntahan yang pag-ibig mo! At baka tuluyan ka na nung makalimutan. Oh siya...siya... LAYAS NA at ng makapagpahinga pa ako.”litanya niya.
Napangiti na lang talaga ako ng wagas. Tama ang best friend ko.
So I hugged her tight.
“THANK YOU TALAGA BRAD!!! HAHA Paano na lang talaga ako kung wala ka? Oo, pupuntahan ko na siya kahit ipagtabuyan pa niya ako. Hindi ko na siya hahayaan pang hindi niya ako tanggapin sa buhay niya lalo pa ngayong mas kailangan niya ako.” I said to her in between our hugs.
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Teen FictionWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...