Carlo's POV
Kanina lang parang ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Kung hindi lang sana nangyayari ang bagay na to. Bakit kasi ngayon pa? Of all the people, bakit ang tatay ko pa? Wala naman siyang ginagawang masama para maghirap ng ganito ngayon. Ayokong nakikita ang Mama ko na nahihirapan at umiiyak. Kung kaya ko lang sana saluhin lahat ng nararamdaman niya ngayon, gagawin ko para hindi na siya umiyak, pero hindi ko magawa, ni wala akong magawa, alam ko kung gaano niya kamahal si Papa. I just continue hugging her, until I remember someone special also to me. My wife.
"Shiela? Where's your Ate Naomie?"
"Huh? Kanina lang nandun siya..." Turo niya sa di kalayuan.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi pwede! What if? No!
Ayokong isipin. She's so fragile when seeing this kind of situation.
"Ma, sandali lang. I need to find my wife."
"Huh? Bakit?"
"Nawawala siya Ma."
"Hah? ---- Sige, bilisan mo."
"Babalik ako Ma."
"Oo nak. Mag-iingat ka."
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Mama at ng mga kapatid ko dahil sa pagmamadali at kaba ko. Iba ang kaba ko dahil maraming pagbabago ang nagaganap sa kanya ngayon. Pagbabago. Pagbabago na dahilan marahil kung bakit siya nawawala ngayon.
Parang akong naglalakad sa kawalan. Siguro dahil kinakain na ako ng sobrang takot sa isip ko.
Nakarating na ako sa labas ng hospital at hinanap siya sa bawat pasilyo at daanan nito. Pero bigo pa rin ako. Nahilamos ko na ang kamay ko sa aking mukha. Kaba at balisa, yan ang nararamdaman ko sa mga oras na to.
Takot at galit sa sarili, dahil hindi ko man lang naisip na kasama ko nga pala ang asawa ko.
Ang tanga ko!
Bakit hindi ko kaagad siya naisip? Marahil ay nasasaktan siya ngayon dahil sa dinadanas ko. Siguro dahil nararamdaman din niya ang bigat ng pasanin ko ngayon. Hindi niya kaya ang mga ganitong sitwasyon, lalo na kung ang involved na tao ay mga taong malalapit sa kanyang buhay.
"Naomie, asan ka na ba?"
I tried texting and calling her several times, pero hindi pa rin siya sumasagot. Mas lalo akong binabalot ng takot.
Bumalik ako ng kotse namin at nagbabakasakaling nandun siya, pero wala pa ring bakas na naiwan niya.
Saan ko ba siya hahanapin?
Tulala na ako sa lahat ng nangyayari. Until I heard the ring of my phone.
Naomie's POV
Bakit ba ako tumatakbo?
Sinong tinatakbuhan ko?
Saan ako pupunta?
Bakit ako umiiyak?
Gulung-gulo na ako. Hindi ko alam kung nasaang lugar na ako. Sobrang sakit ng ulo ko dahilan para mahilo at mapaupo ako gilid ng daanan.
Hanggang sa may makapansin sakin na isang lalaki.
"Miss okay ka lang ba?"
Tiningala ko siya at medyo umiling.
"Nahihilo ka ba? Sabihin mo sakin, I can help you."
Inakay niya ako patungo sa pinakamalapit na upuan.
"Are you feeling fine now?"
Medyo hindi na ako nahihilo, pero nalilito pa rin ako kung ano ba talaga ang nangyayari. Tumango ako sa kanya bilang tugon na okay na ako.
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Teen FictionWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...