The Thoughtfully Cute guy
"The guy that when you get home from work will have made dinner because you had to work today, or brings you flowers on Wednesday morning just because he wanted to make the rest of the week better. He's the guy who when you wake up will be watching you sleep because you were just too beautiful to wake. This guy is a keeper keep him close and never let him go, you will be glad for him when your in labor and he looks at you all sweaty, makeup running while your cursing him and says look at her she so beautiful."
My Caloy....
NAOMIE'S POV
I gazed and smiled to my innocent sleeping parrot monster. Ironic, isn't it? But that was the real him, the only guy I perfectly married and the only man in the world right now I wanted to spend the rest of my life with. Gusto niyo bang malaman kung paano?
FLASHBACK
Nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog dahil sa pagod yata sa klase. Nakabukas pa rin pala ang netbook ko, nagrerecord kasi ako ngayon ng result ng exam ng mga estudaynte ko last week.
Nakakatawa nga yung panaginip ko, parang totoong ako yung nandun. Yung mga best friends ko, si Mama, yung kapatid ko, si Red, si Sara, si Mark at syempre yung nag-iisang parrot monster head ng buhay ko, si Caloy.
Kaso magkaaway kami ngayon. Hindi niya ako pinapansin, ilang araw na. Sobrang sungit pa! Akala mo kung sinong babaeng nasa menopausal period, sa pagtataray! Bumalik na naman siya sa napakasungit niyang ugali!!! BADTRIP TALAGA!!!!
Ginala ko na ang mga mata ko para iligpit lahat ng gamit ko at ng makauwi na ako. Late na kasi ako umuuwi, kulang na lang dito na ko tumira sa loob ng faculty room na 'to. Nang biglang tumunog ang cellphone ko.
1 message received
Galing kanino? Sino pa nga ba?
From: My Parrot Monster Head
Hindi kita masusundo. Ingat!
6:25 PM Aug. 17, 20**
“Tss... Nagtext pa sya?! Mas mabuti na lang sanang hindi!” I roared irritably. Hindi ko nga ni-replyan.
“Ingay mo naman Naomie! Magkaaway kayo?” Ms. Kim asked, one of her coteachers.
“Wala. Tampuhan lang. Isang linggo lang naman niya na akong hindi pinapansin at sinusungitan!Talo pa may regla!!! ” inis kong sagot.
“Asusss...baka may iba na? Sa pogi ba naman nun eh? Ewan ko na lang. Babaero yun!” pang-uurat sakin ng babaeng to.
“Hay naku! Subukan lang talaga niya!? Matitikman niya ang hapdi ng asido sa lab. Tignan lang niya kung may mukha pa siyang mahaharap sa mga babae niya.” Inis kong sagot.
“Tsk..tsk..tsk.. Iba na yan girl! Baliw ka na sa kanya! Ang tindi mo mag-isip ng paghihiganti? Pangkriminal! Makulong ka ng hindi oras hah? Wala ng magtuturo sa Grade 9 niyan!HAHAHA” sagot pa niya. Nang-aasar talaga siya. HAHAHAHA SABUNUTAN KO NA TO EHH!
HAHAHAHA JOKE LANG! LOVE KO YAN SI MA’AM KIM! :P
Natapos na rin ako sa pagliligpit ng gamit ko. Sa wakas pwede na akong makauwi!
Inaantok na talaga ako.
Hindi naman mawala sa isip ko yung mokong na yun. Ano nga ba yung huling pinag-awayan namin?
ANOTHER FLASHBACK
“Manong, siomai nga po, dalawang order. May sili po hah!” sabi ko may tinder ng siomai.
BINABASA MO ANG
Dirty Little Game called "LOVE"
Novela JuvenilWhen first love becomes TRUE LOVE. Para sa mga taong in-denial, manhid, paasa at umaasa. Kailan nga ba hindi nagiging TANGA ang isang taong nagmamahal? Normal ang pagiging tanga pag nagmamahal ka. Sa pagiging normal ang pakiramdam na yun, lahat yata...