CHAPTER 1: First Encounter

144 14 0
                                    

NEKKO POV

"Arghh! Hindi ko na talaga alam kung ano na yung gagawin ko sayong bata ka!" Inis na sigaw sakin ng bruhelta kong lola.

"Pwede ba tanda! Wag mo nga akong pakialaman! Buhay ko to kaya wala kang pakialam!" Inis ko namang sigaw sa kaniya pabalik.

"Wala kang galang!" Sigaw niya ulit. Umupo siya sa sofa tsaka hinimas-himas yung noo niya. Lumapit naman sa kaniya yung mga maid. Tsk, hindi ko nalang siya pinansin. Wala na akong balak pang makipag-bangayan sa kaniya kaya umalis na ako.

"Arghh! Bwesit ka talagang matanda ka!" Inis na sambit ko habang naglalakad sa gilid ng kalsada.

*Paaaaacckkkk*

"Aray!" Labis nalang ang gulat ko nang may bigla nalang bumato sakin ng matigas na bagay. The heck! Sakit nun ah. Napahimas nalang ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

Nakita ko yung coke 'n can na ginamit pambato sakin. Agad ko yung kinuha tsaka nag palinga-linga sa paligid. Mula sa malayo, may nakita akong babae habang seryosong nakatingin sakin. She's wearing a long white dress. Ang bàntot ng suot niya para siyang aattend ng halloween party  psh. But she really looks familiar to me I think I saw her somewhere?. Hyst nevermind.

Sinamaan ko siya ng tingin tsaka lumapit sa kaniya. Bahagya naman siyang nagulat. Dapat lang. Magulat ka kasi nahuli kitang babae ka!

"Hoy babae! Ikaw ba nagbato sakin nito?" Inis kong tanong sa kaniya. Pero hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatayo't nakatingin sakin.

"Alam kong gwapo ako. Pero tinatanong pa kita!" Bahagya naman siyang natawa dun. Psh.

"Nakikita mo ako?" Nagtatakang tanong niya sakin. Sa pagkakataong 'to ako naman ang natawa. Eh baliw pala siya eh.

"Malamang. May mata ako eh." Natatawa ko namang sagot sa kaniya. Napahawak tiyan nalang ako dahil sa lakas ng tawa ko.

"T-talaga? Nakikita mo ako? Kyaaahhh may nakakita na sakin. Ang saya ko." Tuwang-tuwang sabi niya. Nagtatalon-talon siya sa sobrang tuwa tsaka nag paikot-ikot sakin. Tsk, parang bata.

0____0

Nagulat ako nang bigla niya nalang akong niyakap. Pero bakit ganun? Ba't parang hindi ko yata naramdamang niyakap niya ako? Tanging malamig na hangin lang yung nararamdaman ko.

Tinulak ko siya.

0__0

Pero labis nalang ang gulat ko kasi hindi manlang siya natinag. Tumagos lang yung kamay ko sa katawan niya.

"P-pano n-nangyari yun?" Nagkakandautal kong tanong sa kaniya.

Sh*t! Ba't parang umurong yung dila ko? Tang*na!

"Kung sabihin ko sayong multo ako. Maniniwala ka ba?" Seryoso niyang sagot sakin. Saglit akong natigilan sa sinabi niya.

M-multo?

"Hahahahahaha. Ako ba'y niloloko mo?" Natatawa ngunit kalaunay pagalit na sambit ko sa kaniya.

"Kita mo na. Di ka naniwala." Nakapout niyang sabi sakin. Sinamaan ko nalang siya ng tingin tsaka naglakad palayo.

"Maniwala ka sakin. Multo talaga ako." Sabi niya habang nakasunod sakin. Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko.

Multo daw? Tsk, di niya ko maloloko.

"Multo nga kasi ako. Maniwala ka sakin." Hindi ko pa rin siya pinapansin.

Psh. Kulit!

"Lalaki! Alam kong ikaw lang yung makakatulong sakin. Tulungan mo ako para mo ng awa." Napatigil ako sa paglalakad tsaka tumingin ng deritso sa mga mata niya.

My Tutor GhostWhere stories live. Discover now