CHAPTER 7: The Truth

74 10 0
                                        


  NEKKO POV

Mag gagabi na ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Karra. Nag-alala na ako sa kaniya.

"Anong nangyari? Ba't hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Karra?" Inis kong tanonh sa kaniya.

"Manahimik ka! Reklamo ka ng reklamo!" Inis niya namang sambit habang paulit-ulit na binabanggit ang spell.

"May kasalanan ka pa sakin."

"Alam ko."

"Buti alam mo!"

"Pero nasa teritoryo kita ngayon. Kaya mag dahan-dahan ka!" Inis akong napatingin sa kaniya.

"Wala akong pakialam!" Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. "Hindi ako natatakot!" Muli kong sabi.

"T-talaga lang ah!" Dahan-dahan ulit akong lumapit sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang umatras palayo sakin.

"L-lumayo ka nga sakin!"

"Bakit? Natatakot ka ba?" Mas lalo ko pang nilapit ang katawan ko sa kaniya.

"L-lumayo ka sabi!"

"Ayoko nga!" Napangisi ako nang makitang napasandal na siya sa pader. "Pano ba yan? Nacorner na kita."

"Tigilan mo nga ako!" Tinulak niya ako ng malakas dahilan para mawalan ako ng balanse.

Pero agad kong hinatak ang kamay niya, kaya sabay kaming bumagsak dalawa.

Ganun nalang ang gulat ko nang mapagtantong nakapatong na pala siya sakin.

Naalala ko tuloy si Karra.

"Nekko!" Agad kaming napatayo nang marinig ang boses na iyon.

"Karra! Gising ka na pala!" Lumapit ako sa kaniya tsaka siya sinalubong ng yakap.

"N-nekko?"

"Ang tagal mong nagising." Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya. Nakakatuwa isipin na parang hangin lang yung niyayakap ko.

"May naalala ka na ba?" Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kaniya tsaka ibinaling ang tingin kay Ellen.

"Isa lang ang naalala ko. Yun yung panahong namatay ako."

"Anong sanhi ng pagkamatay mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako namatay dahil sa isang aksidente. Namatay ako dahil... D-dahil pinatay nila ako." Nagulat ako sa sinabi niya. Napaka walang-hiya naman ng mga taong gumawa sa kaniya nun.

"Nakakalungkot isipin na hindi ko manlang nakamit yung hustisya ko." Nahihikbi niyang tugon.

"Yun ba ang dahilan kung bakit ka pa nandito?"

"Siguro?"

"Pano pag nakamit mo na yung hustisya mo? Iiwan mo na ba ako?"

"Wala ng dahilan pa para manatili pa ako rito."  

My Tutor GhostWhere stories live. Discover now