KARRA POV
Nakaupo ako ngayon sa upuang nasa gilid ng kalsada.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Matutuwa kasi sa wakas may nakakita na sakin o malulungkot kasi wala naman siyang pakialam sakin. Kamalasan lang naman ang dulot ko sa taong iyon.
Napatayo ako bigla nang bigla nalang dumaan sa harapan ko si Nekko. Nag ce-cellphone lang siya habang naglalakad. Palihim akong ngumiti tsaka patagong sumunod sa kaniya.
"Hi Nekko!" Bungad ko sa harapan niya.
Nagulat siya sa biglaang paglitaw ko kaya muntikan niya ng mahulog ang cellphone niya.
"I'm warning you! Huwag mo akong gulatin!" Diin niyang sabi sabay tingin sakin ng masama.
"Ahehe. Sige hindi na mauulit."
"Dapat lang!" Inis na sigaw niya sabay lagpas sakin. Napapout nalang ako. Pinagmamasdan ko lang siya habang nag lalakad palayo.
"Madapa ka sana!" Pahabol kong sigaw sa kaniya. Natawa ako nang bigla nalang siyang natapilok. Hahahaha buti sa kaniya.
6 WEEKS LATER
NEKKO POV
Kasalukuyan akong kumakain ngayon kasama si tanda.
"Nekko Apo. Be ready, your dad is coming." Putol ni tanda sa katahimikan.
"I know." Sagot ko naman habang hindi tumitingin sa kaniya. Tumayo ako at aktong aalis na nang bigla nalang dumating si papa.
"How are you son?" Lumapit siya sakin at akmang yayakapin niya na sana ako pero umiwas ako.
"What's wrong?"
"Nothing!" Blanko lang ang ekspresyon ko nang banggitin ko ang katagang iyon.
"Nekko! Umayos ka!" Inis na sambit niya sakin.
"Why should I?" Pang-iinis ko pa lalo sa kaniya.
"Brent! Pag pasensiyahan mo na lang ang anak mo." Lumapit si tanda sa kaniya tsaka hinawakan ang braso niya para pakalmahin.
"Dadalhin ko siya sa states mama. Doon, tuturuan ko siyang gumalang."
"Ano?! Hindi pwede! Hindi ako papayag!"
"Wala kang magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo isasama pa rin kita sa states!'
"At kailan ka pa natutong maging ama ko? Wala kang karapatang gawin sakin 'yan dahil kahit ni minsan hindi mo ako tinuring na anak!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Bago niya pa man ako mapagbuhatan ng kamay, umalis na ako sa harapan niya.
"Nekko!" Tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon pa. Pumunta ako sa may pool at doon humagilap ng sariwang hangin.
"Ganiyan ka ba pinalaki ng lola mo?" Napalingon ako sa likuran ko nang may bigla nalang nagsalita. Nagulat ako nang pagharap ko ay bigla niya nalang akong sinunggaban ng suntok dahilan para mahulog ako sa pool.
Si Papa.
Pinunasan ko ang mukha ko sabay ahon sa pool. Sinamaan ko siya ng tingin pero bigla niya nalang akong hinawakan sa kwelyo.
"Nakakahiya ka. Malaki ka na pero napaka immature mo pa rin!"
"Sa'n ba ako nagmana? Sayo lang naman diba?" Sabi ko sabay ngisi. Sa ikalawang pagkakataon, muli niya akong sinuntok. Ngunit ang pinagkaiba nga lang, hindi na ako sa pool nahulog. Pinunasan ko ang dugong dumadaloy sa gilid ng labi ko gamit ang likod ng palad ko.
"Hahahaha..." Sarkastiko akong tumawa dahilan para mainis siya ng sobra. Susuntukin niya na sana ulit ako nang bigla nalang siyang nahulog sa pool.
*SWOOOOOSSSHHH*
Napatitig ako sa babaeng papalapit sakin. Pakiramdam ko naging slowmotion ang lahat. Ang mala anghel niyang paglapit sakin.
"Okay ka lang?" Napapangiti nalang ako habang inalalayan niya akong makatayo.
"Karra." Tanging nasambit ko.
Kung hindi ka lang siguro dumating, siguradong bugbog sarado na ako ni papa ngayon.
Hindi ko inakalang magagawa niya yun. Tinulak niya si papa para lang tulungan ako.
"Sino ka?" Sabay kaming napatingin kay papa. Ngayon ko pa lang napansin, nakaahon na pala siya sa pool. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Huwag niya sabihing nakikita niya rin si Karra?
"Nakikita mo ako?" Nagtatakang tanong ni Karra sa kaniya.
"Sagutin mo ang tanong ko! Sino ka?!" Nanlilisik ang mga matang tugon ni Papa. Dahan-dahan siyang lumapit kay Karra tsaka ito sinakal sa leeg. Nagulat ako sa nasaksihan kaya hindi ko agad naigalaw ang katawan ko.
Alam kong namilipit na sa sakit si Karra kaya agad kong tinulak si papa. Ngunit hindi manlang siya natinag.
"Papa tama na!" Sa unang pag kakataon, nagmakaawa ako kay papa. Naalarma ako nang makitang unti-unti ng naglalaho si Karra.
Hindi ako nakatiis kaya sinuntok ko si Papa. Sinuntok ko siya ng sinuntok hanggang sa mabitawan niya si Karra.
"Wala kang karapatan para gawin sa kaibigan ko 'yan!"
"Kaibigan? Nahihibang ka na ba? Kaluluwa yan! Hindi na siya tao!" Sigaw niya pabalik sakin.
"Wala akong pakialam! Kaluluwa man siya o hindi... Kaibigan ko pa rin siya! Kaya subukan mo lang siyang saktan ulit, ako na ang makakalaban mo!"
"Hindi ko akalaing magkakaroon pala ako ng anak na baliw." Naiiling niyang sabi sabay alis. Napairap nalang ako.
"Thank you." Napatingin ako kay Karra nang bigla nalang siyang nagsalita. Ngumiti siya sakin tsaka siya naglaho.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
HororI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...
