CHAPTER 2: Another Encounter

91 12 0
                                    


NEKKO POV

Itinapat ko ang aking kotse sa tapat ng isang resto bar. Dito na kasi ako dumiretso matapos kung umalis sa school kanina. Saktong lalabas na sana ako sa kotse nang bigla nalang tumambad sa harapan ko si Karra. Ang multong labis na nagpahiya sakin kanina.

"Ano ba! Ba't ka ba nanggugulat ha!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Pero tinawanan niya lang ako.

"Tabi nga! Aalis ako!"

"In one condition!"

"Condition? Ayoko nga!"

"Sige na please?" Sabi niya sabay puppy eyes.

"Oo na sige na. Pasalamat ka cu---" Oops muntik nakong madulas dun ah.

"Hehe thank you." Mariin akong tumango tsaka lumabas ng kotse. Mabilis akong naglakad papasok sa bar.

"Teka lang sandali." Hindi na ako lumingon pa sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya.

Nang makapasok sa bar ay agad akong naghanap ng mauupuan. Nang makahanap ay saktong uupo na sana ako nang may bigla nalang bumangga sa'king babae dahilan para matapon sa damit ko ang inuming dala-dala niya.

"What the heck! Bulag ka ba miss?"

"I-im s-sorry." Nakayukong sambit nito.

"Sorry? Bakit may magagawa ba 'yang sorry mo sa ginawa mo sa damit ko?" Pasigaw ko namang tanong sa kaniya.

"Lalabhan ko nalang."

WTH!

"Nagpapatawa ka ba? Ha?" Hinawakan ko ang baba niya tsaka inilapit sa mukha ko. Gulat naman siyang napatingin sakin. Ngayon ko lang napagtanto, maganda naman pala siya. Pero di hamak na mas maganda pa si Karra kesa sa kaniya.

T-teka? At bakit nasama ang multong iyon sa usapan? Baliw ka na talaga Nekko.

"Palalampasin ko ang ginawa mo sa akin ngayon unless... Kung sasama ka sa akin." Sabi ko sabay smirk.

"S-saan?"

"Sa condo ko. Be my lady tonight at pagkatapos nito ay kakalimutan ko na ang ginawa mo." Gulat siyang napatingin sakin.

"A-ano? Nahihibang ka na ba?"

"No, im not!"

"Nekko." Sabay kaming napalingon sa tumawag sakin.

Si karra.

Pero teka? Lumingon siya? So ibig sabihin nakikita niya rin si Karra?

"Nakikita mo ako?" Nagtatakang tanong niya sa babae. Pero hindi siya nito pinansin. Itinabig niya ang kamay ko dahilan para mabitawan ko siya tsaka siya nagmadaling umalis.

"Panira ka talaga!" Inis na sambit ko kay Karra tsaka siya nilagpasan.

[FAST FORWARD]

"Ano na naman ba itong nabalitaan ko, ha?' Bungad agad ni tanda pag pasok ko sa bahay.

"Ano?"

"May pinapalayas kang guro!"

"Oh tapos?"

"Ang sama mo talaga! Lahat nalang kinakalaban mo na!"

"Papagalitan mo na naman ba ako?"

"Ano na bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganiyan dati ah!"

"Pwede ba tanda! Wag ka ng mag drama! Ang sakit mo sa tenga!" Inis na sambit ko sabay akyat sa kwarto ko.

Nang makapasok sa kwarto ay pabagsak akong humiga sa kama ko.

"Kung sinama mo lang sana ako mama. Edi sana hindi ako magkakaganito." Mariin kong pinikit ang mga mata ko tsaka dahan-dahang pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"Alam mo, naiinitindihan naman kita eh. Nagkakaganiyan ka lang dahil sa mama mo. Kaya alam kong may nakaukit paring kabutihan sa puso mo." Natigilan ako nang may bigla nalang nagsalita galing sa likuran ko. Iminulat ko ang aking mga mata tsaka nilingon ang pinanggalingan ng boses. Ngunit, sa ikalawang pag kakataon, natigilan ulit ako nang makitang wala namang ibang tao. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala!

Pagod lang siguro ako. Kaya kung ano-ano nalang yung naririnig ko. Mabuti pa't matulog nalang ako.

My Tutor GhostWhere stories live. Discover now