CHAPTER 17: Poor Nekko

59 6 0
                                        


  NEKKO POV

I went to the closet to get the vacuum cleaner. It was to heavy. Hindi ko alam kung pano gamitin to. Pero buti nalang at may instructions kaya may guide ako.

Pinagtinginan ako ng mga maids pag balik ko sa sala. Ngayon pa lang siguro sila nakakita ng gwapong nilalang na may dalang vacuum cleaner. Huminto ako sa harapan ni lola. Ganun nalang ang gulat niya nang makita ako.

"Nekko? Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ni tanda sakin.

"Obviously!? Maglilinis ako lola."

"What? Are you serious?"

"Of course I am. Ayoko lang mapagod yung mga maids lola." Sagot ko.

"Kayong lahat!" Tawag ko sa mga maids.

"Maupo na kayo at ako na ang bahala dito." Sambit kong muli. Gulat naman silang napatingin sakin.

"P-po? H-indi okay lang po master. Kaya na po namin ito."

"No! Hindi kayo pwedeng mapagod lalo ka manang Celia. Matanda ka na! Ang dapat sayo ay nagpapahinga katulad ni lola."

"S-salamat master."

"Wala yun? Sige, maupo na kayo."

-------  

  Pinagpawisan ako kahit naka-aircon naman. Damn! Cleaning is too hard for me. Kung hindi lang dahil kay Karra!

Speaking of Karra. Nasa'n na kaya yung babaeng 'yon? Baka hindi niya alam na naglilinis ako. Lagot siya sakin.

"Ano kayang nakain ni master at bigla nalang siyang nagkaganiyan? Pero ang cute niyang tingnan." Rinig kong bulong ng isang maid.

Bulong pa ba yun? Narinig ko eh.

"Oo nga! Pero alam niyo, sa kay tagal-tagal kong paninilbihan dito, ngayon ko pa lang siya nakitang ganiyan. Eh demonyito yan eh." Eh kung palayasin kaya kita dito! Demonyito ka diyan! Tsk!

"Mabait si master Nekko." Palihim akong napangiti nang marinig ang pagtatanggol ni manang Celia sakin. "Huli ko ngalang siyang nakitang ganiyan ay nung buhay pa ang kaniyang ina." Nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang katagang iyon.

Nanikip ang dibdib ko. Bigla nalang nanumbalik yung sakit na nararamdaman ko nung iniwan ako ni mama.

"Kawawa na pala si master Nekko." Kawawa? Kaawa-awa na pala ako ngayon?! Poor Nekko.

"Pagod na ako!" Inis na sambit ko tsaka padabog na umakyat sa taas ng kwarto ko.  

My Tutor GhostWhere stories live. Discover now