CHAPTER 27: THE REAL KILLER
"...And im the one who killed Karra." Nanigas ako sa kinatatayuan ko matapos kung marinig yung sinabi niya.
"...And im the one who killed Karra."
"...And im the one who killed Karra."
"...And im the one who killed Karra."
"...And im the one who killed Karra."
paulit-ulit na nag-eecho sa pandinig ko yung mga sinasabi niya.
Tama ba yung narinig ko? siya yung pumatay kay Karra?
Napasinghap ako nang maramdaman ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko. Napabuntong hininga ako.
"Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ginawa sa kaniya 'yon? sabihin mo, ano yung dahilan mo?"
"Gumanti lang ako. Her dad killed my wife—"
"Kaya siya yung pinatay mo?!"
"Exactly!"
Nangingilid na naman yung mga luha ko.
"Pero may posibilidad na maaari pa siyang mabuhay." Nakangisi kong sabi.
"Then, Kill her! kung maaari isama mo na rin yung anak ko." Literal na nawala ang ngisi sa aking labi matapos kong marinig yung sinabi niya.
"Ano?! Nasisiraan ka na ba ng bait?! Pati anak mo dinadamay mo?! Tsaka ako pa talaga ah!"
Tumalikod ako tsaka humakbang paalis. Saktong bubuksan ko na sana yung pinto ngunit natigilan ako dahil sa sinabi niya.
"Kill her or I'll kill you!" humarap ako sa kaniya.
"Do you think na madadala ako sa kasamaan mo?! Don't me! Mr. Ferrer!" mataray na sambit ko.
Napaawang ang bibig ko nang bigla nalang siyang bumunot ng baril.
"Im serious! Kill her or I'll kill you?!"
Ngumiti ako. Isang ngiting minsan ko lang pinakita sa ibang tao."Just... just kill me instead." matapos kong sabihin 'yon naramdaman ko na lang ang isang matigas na bagay na tumama sa may puso ko...
"ELLEN!" Umalingaw-ngaw ang malakas na sigaw ng isang lalaki kung kaya't napangiti ako. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko sa mga bisig niya.
"Hoy Ellen! W-wag kang bumitaw please. M-may aaminin pa ako sayo." Nababasag na yung boses niya. Nanginginig na rin yung labi't mga kamay niya.
"A-ano ba y-yun k-kupal." nahihirapan na akong magsalita dahil sa mga pulang likido na patuloy na lumalabas mula sa bibig ko.
"M-mahal k-kita matagal na. Naalala mo ba yung panahon kung saan tayo unang nagtagpo?!"
"S-sa s-sim—b-bahan. t-tama ba?" kaya pala pamilyar siya sakin.
"Tama. Balak pa sana kitang ibalik dun eh.... Pero—" Wala ng ni isa pang salita ang lumabas mula sa bibig niya dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"K-kupal. I-ikaw y-yung da—dahilan k-kung ba—kit hindi k-ko k-ka-kayang mag m-mahal ng i-iba. I-ikaw kasi y-yung h-hinihintay ng puso ko." Ngumiti ako tsaka pinikit yung mga mata ko.
"Mahal kita— k-kupal." muling sambit ko and everything went black.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
TerrorI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...