CHAPTER 23: ALIVE?
NEKKO POV
"Nag-enjoy ka ba?" tanong ko sa kaniya. Tumango-tango siya sabay ngiti. "Sobra."
"Mabuti naman." ngumiti ako tsaka ginulo ang buhok niya. "Aish wag ka nga." reklamo niya. Natawa nalang ako.
Naglalakad na pala kami ngayon paalis sa Amusement park. Maghahating-gabi na kaya kailangan na naming umuwi.
Gusto kong sulitin ang araw na 'to dahil baka mamaya o bukas... Bigla nalang siyang mawawala.
"Nekko!" Napatingin ako kay Karra nang bigla niya nalang banggitin yung pangalan ko.
May tinitignan siya sa may di kalayuan. Nakapagtatakang bigla nalang siyang namutla. Anong nangyari?
"Okay ka lang?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Pero hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa kawalan. Hindi ako nakatiis kaya tinignan ko na rin yung tinitignan niya.
0__0
"P-papa?" Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin samin. Bahagya akong napaatras nang makita ang kulay itim na usok na nasa mga mata niya. Tila nasaniban siya ng demonyo.
Humakbang siya patungo sa direksiyon namin kaya dali-dali kong hinatak si Karra palayo.
KARRA POV
Tumatakbo kami ngayon.
Takbo lang kami ng takbo.
Habang tumatakbo kami hindi ko maiwasang mapasulyap sa likod.
"Nekko! Yung papa mo nakasunod sa'tin." tarantang sabi ko.
"SH*T!" Mas lalo pa naming binilisan yung pagtakbo. Nakakita ako ng isang abandonadong paaralan kaya dali-dali kong hinatak si Nekko papasok dun.
Ang dilim ng paligid. Tanging ilaw lang mula sa labas ang nagsisilbing liwanag.
"SH*T! Ba't puro sarado yung mga pinto!" Pagmamaktol ni Nekko.
"A-anong gagawin natin?" tarantang tanong ko sa kaniya.
"How's your date?" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Yung papa ni Nekko. Nasa harapan na namin siya ngayon.
Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Nekko ang kamay ko. "Great." Mayabang na sagot niya. Ni hindi manlang siya natakot sa papa niya. Ngumisi ang papa niya nang tumapat ang tingin nito sakin.
"How about you? Ms. Karra Choi?"
T-teka? Kilala niya ako?
"Kilala mo ako?" Takang tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya sinagot ang tanong ko.
"How's your day? Masaya ka na ba sa naging buhay mo ngayon?" pilit akong sumagot. "O-oo naman."
"Talaga? Kung ganun, hindi mo na pala kailangang mabuhay."
"What do you mean?/ Anong ibig mong sabihin?" Sabay naming tanong ni Nekko. Humakbang siya palapit sakin kaya bahagya akong napaatras.
"You're alive." bulong niya.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
KorkuI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...