CHAPTER 8: Practice

85 9 0
                                    


  NEKKO POV

Kasalukuyan kaming nagpapractice ng basketball ngayon sa gym ng school namin.

"Break na muna tayo captain!" Sambit ng ka team mate kong si Arjames.

"Anong break? Hindi pa nga naging kayo break na agad!" Natatawa namang sabat ni Marco.

"Gago!" Sigaw ko sa kaniya. Umalis ako sa harapan nila tsaka umupo sa may bench.

"Ang galing mo talaga Nekko!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Karra sa tabi ko.

"Diba binalaan na kita! Ang sabi ko, wag mo akong gulatin!" Inis na sambit ko sa kaniya.

"Ahehe. Nakalimutan ko eh." Psh.

"Captain! Practice na ulit tayo." Tawag sakin ng mga ka team mate ko. "Sige kayo muna. Manunuod lang ako." Tumango lang sila tsaka ulit sila nagsimulang mag practice.

"Ba't di ka sumali? Sayang. Ichecheer pa naman sana kita." Nakapout niyang sabi.

"Dumating ka kasi. Nawalan tuloy ako ng gana." Pabiro kong sabi.

"Sige aalis nalang ako." Tumayo siya at aktong aalis na. Hindi ko sana siya pipigilan pero naalarma ako nang makita ang bolang papalapit sa puwesto namin. Agad ko siyang hinatak palayo sa bolang iyon.

Kaya ang nangyari, ako ang natamaan sa bola. Bumagsak ako sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pagkatama sakin.

"Nekko!"

"Captain!"

Mabilis silang lumapit sakin.

"Captain! Okay ka lang?"

"Nekko! Bakit... Mo ginawa ang bagay na iyon?"

"Ayoko kasing matamaan ka."

"Anong pinagsasabi mo Captain?"

"Pero kaya ko namang maglaho! Kaya kong iwasan ang bolang iyon!" Sigaw niya sakin. Napatitig ako sa kaniya nang makitang bihla nalang tumulo ang mga luha niya. "Nasaktan ka tuloy nang dahil sakin." Muli niyang sabi. Tumayo siya tsaka ako tinalikuran. Tatayo na sana ako para lapitan siya pero bigla nalang siyang naglaho.

"Okay ka lang Captain?" Sabay-sabay nilang tanong habang inalalayan akong makatayo.

"Sa tingin niyo oo?! Matapos niyk akong tamaan ng bolang iyon?!"

"Si Mike kasi eh!" Sambit ni Kent sabay turo kay Mike.

"Anong ako? Ikaw kaya!"  

  "Pinasa ko sayo yung bola pero hindi mo naman sinalo!"

"Kasalanan mo pa rin Kent!" Inis na sigaw ko sa kaniya.

"Eh kasi naman Captain, kung hindi ka lang sana lumipat ng puwesto edi sana hindi ka matamaan ng bola.

"Ako pa pinapagalitan mo ngayon?"

"Hindi naman sa ganun captain." Inis akong napatingin sa kaniya.

"Pasalamat ka kasalanan ko." Mahina kong sabi.

"Ano yun Captain?"

"Ang sabi ko, balik na kayo sa practice!" Inis na sambit ko tsaka sila nilagpasan.

"Yes captain!"  

My Tutor GhostWhere stories live. Discover now