KARRA POV
Palihim akong sumusunod sa kaniya. Para kahit papano, alam kong may magproprotekta sa kaniya.
Kasalukuyan kong sinusundan si Nekko ngayon. As usual, pumasok na naman siya sa bar.
Mabilis akong naglaho tsaka lumipat ng pwesto nang bigla nalang siyang tumingin sa direksiyon ko. Muntik niya na akong mahuli.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Natigilan ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na tao.
Si...
S-si Kevin?
Bahagya akong nagulat nang bigla nalang siyang tumingin sa direksiyon ko. Sabay kaming natigilan dalawa nang makita namin yung isa't-isa.
"Karra?/ Kevin?" Sabay naming sambit dalawa.
Lumapit siya sakin tsaka ako sinalubong ng yakap.
"Long time no see Karra." Bulong niya sakin.
"K-kevin?"
"Namiss kita Karra!" Kumalas ako sa pagkakayakap niya sakin.
"Ganun ba?" Palihim akong tumingin sa direksiyon ni Nekko. Sa tingin ko, nakatingin siya samin.
Natigilan ako nang muli akong niyakap ni Kevin.
"Mahal pa rin kita Karra!"
"Pero multo ako't tao ka! Hindi tayo puwedeng magmahalan dalawa. Tsaka isa pa... May mahal na akong iba."
"Sino?"
"Si Nekko." Mahina kong sabi.
NEKKO POV
Nang pumasok ako sa bar, ramdam kong may nakatingin sakin mula sa malayo. Ngunit hindi ko nalang pinansin.
Sa gwapo ko ba naman kasing 'to. (*wink*)
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid upang maghanap ng mauupuan. Ngunit natigilan ako nang mahagip ng mga mata ko si Karra. Lalapitan ko na sana siya pero bigla nalang siyang nawala.
"Naghahalucinate lang siguro ako." Bulong ko sa sarili ko. Naiiling akong lumapit sa counter.
"What can I do for you sir?" Tanong ng bartender paglapit ko.
"Give me one glass of Syrah Wine Miss."
"Okay sir." Nang makaalis ang bartender ay muli kong nilibot ng tingin ang buong paligid. Muli akong natigilan nang makita ko ulit si Karra.
Tama nga ako. Hindi ako naghahalucinate lang. Nandito nga talaga siya.
Hahakbang na sana ako palapit sa kaniya, pero naunahan na ako ng iba.
Si kevin? Teka, magkakilala sila?
Bigla ko nalang naalala yung mga kwinento niya.
Wag niya sabihing si Karra yung tinutukoy niya?
Hindi pwede! Mababaliw ako pag nagkataon.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
HorrorI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...