CHAPTER 19: Help

52 7 0
                                    



ELLEN POV

Kasalukuyan akong nagmemeditate ngayon sa loob ng bahay ko. Mag-isa lang ako. Tahimik at tanging hininga ko lang yung naririnig ko.

*Inhale*
*Exhale*
*Inhale*
*Exhale*
*Inh——*

Napatigil ako nang may narinig akong kaluskos mula sa kusina. Mariin akong nagbuntong hininga tsaka tumayo. Tutungo na sana ako sa kusina nang bigla nalang tumambad sa harapan ko ang isang babaeng multo.

"AHHHHHHH..!" Sabay naming sigaw dalawa.

"Ba't ka ba sumigaw?!" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Eh sumigaw ka eh!"

"Sira!" Tumalikod ako sa kaniya tsaka umupo sa maliit na sofa.

"Ba't ka nga pala nandito Karra?" Tanong kong muli.

Oo, tama kayo ng narinig. Si Karra nga ang nandito.

"Nandito ako kasi kailangan ko ang tulong mo."

"Tulong? Bakit hindi pa ba sapat yung tulong na binigay ko sayo dati?"

"H-hindi yun. Si Nekko, kailangan niya ang tulong mo."

Si Nekko? Yung lalaking pikunin na sobrang yabang?

"Bakit? Anong nangyari sa kaniya?"

"May sakit siya at ako ang dahilan nun kaya kailangan ko ang tulong mo."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Pagamutin mo siya. Please Ellen ikaw nalang ang pag-asa ko." Tumayo ako. "Pero exorcist ako. Hindi ako nurse Karra! Hindi ko trababo ang manggamot ng tao!"

"Kaluluwala lang ba talaga ang kaya mong tulungan?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Pano naman yung mga kapwa mo tao? Hindi mo ba talaga sila kayang tulungan?"

"H-hindi ko alam."  

  "Hindi ba't ang unfair naman nun? Kaya mong tulungan yung mga kaluluwa, samantalang yung mga totoong tao... Hindi?!" Napaiwas nalang ako ng tingin. Kasalanan ko bang ganito ako? Hindi naman siguro diba? Tao lang ako't nahihirapan rin ako.

"Wag kang mag-alala, tutulungan naman kita eh, tutulungan ko si Nekko."  

My Tutor GhostWhere stories live. Discover now