"Naniniwala ako sayo! Dahil tulad mo, ganun din ako!""What do you mean?"
"Nainlove din ako sa multo tulad mo Nekko!" Agad akong napatingin sa kaniya.
"Nakakita ka rin ng multo?" Takang tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya bilang sagot.
"May nakilala akong multo dati. Humingi siya ng tulong sakin." Sambit niya. Bigla nalang akong napangiti nang bigla ko nalang naalala yung una naming pagtatagpo dalawa. "Inis na inis pa ako sa kaniya nung una pero habang tumatagal ay tila nasanay na rin ako. Nasanay na akong nandiyan siya lagi sa tabi ko." Muli niyang sambit.
"Hanggang sa hindi ko nalang namalayan... Mahal ko na pala siya." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Kung ganun pareho pala kaming dalawa.
Kinuha niya yung boteng nasa kamay ko tsaka ito mabilis na ininom.
"Nung sinabi ko sa kaniya yung bagay na iyon, saka ko lang narealize na hindi pala pwede." Hindi pwede?
"Bakit naman?"
"Kasi tao ako't multo siya! Hindi kami pwedeng magmahalan dalawa." Sa ikalawang pagkakataon, muli akong natigilan.
Tama siya, hindi pwedeng magmahalan ang multo at tao.
Malalim na tingin ang ipinukol niya sakin. "Kaya kung ako sayo, tigilan mo na ang nararamdaman mo. Dahil sa huli, ikaw lang din ang masasaktan." Muli niyang sambit. Tumayo siya't naglakad palayo. Naiwan naman akong tulala.
-----------*-----------
Nagising ako dahil sa liwanag galing sa labas.
Bumangon ako't tumayo.
"Teka? Sinong naghatid sakin dito kagabi?" Muli akong umupo tsaka pilit na inalala ang nangyari kagabi.
"Arghhh! Sumasakit lang yung ulo ko. Wala akong maalala.
"Oh, gising ka na pala." Napatingin ako kay tanda nang bigla nalang siyang pumasok.
"Tan--- lola! Sinong naghatid sakin dito kagabi?" Tanong ko sa kaniya. Saglit siyang napaisip kaya muli akong nagsalita. "Si Kevin ho ba?"
"Hindi! Isa siyang babae!" Babae?
"Sino?"
"Karra daw ang pangalan."
Si Karra?
Teka? Nakikita rin siya ni lola?
Mabilis akong tumayo tsaka palihim na ngumiti.
Sabi na eh, hindi niya nga ako matiis.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
KorkuI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...