KEVIN POV
Im Kevin Mercedes, Nekko's bestfriend. 18 years old at nag-aaral sa Ferrerious University.
Karra is my first love. Pero dahil multo lang siya , hindi ko sineryoso yung feelings ko para sa kaniya.... Pero noon yun! This time, seryoso na ako.
"Sino?" Tanong ko sa kaniya. Sumagot siya pero hindi ko narinig.
"Kevin." Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakapagtatakang bigla nalang naglaho si Karra.
"Oh, Nekko ikaw pala!"
"Can we talk?"
"Sure! Pero dun nalang sa labas. Magulo kasi dito." Tumango lang siya tsaka kami sabay lumabas dalawa.
***
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kaniya. Sumandal ako sa kotseng nasa tabi ko habang naghihintay sa isasagot niya.
"Tungkol sa kwinento mo." Nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Sa kwinento ko? Bakit? Anong problema?"
"Si Karra ba yung tinutukoy mo dun?" Saglit akong natigilan tsaka gulat na napatingin sa kaniya. "Kilala mo si Karra?' Tanong ko pabalik sa kaniya.
"Oo. Sa katunayan, siya yung tinutukoy ko sayong mahal ko."
"Seriously? Siya rin yung tinutukoy ko."
"What?!" Naiiling ako habang natatawa.
"Ba't parang natuwa ka pa?" Nagtatakang tanong niya sakin.
"What a coincedence!"
"Coincedence?!"
"Look pareho pa talaga tayo ng taong minahal. Mali— hindi pala siya tao!" Natatawang sambit ko. "Ang pinagkaiba nga lang, mas nauna pa ako sayo!" Muli kong sambit. Inis siyang napatingin sakin.
"Oh? Ba't ganiyan ka makatingin?! Tanggapin mo na lang kasi na mas nauna pa ako kesa sayo Nekko!"
"Nauna ka nga! Pero ang tanong... Mahal ka pa ba?" Sabi niya sabay smirk. Tatalikod na sana siya pero bigla ka nalang hinawakan yung kwelyo niya.
"Wala kang karapatan para sabihin sakin 'yan!" Inis na sigaw ko sa kaniya.
"Sino bang nagsimula?!" Itinabig niya ang kamay kong nakakapit sa kwelyo niya.
"Wag ako ang kalabanin mo Kevin! Kilala mo ako! Hindi ako basta-basta magpapatalo!" Diin niyang sabi. Tumalikod siya tsaka nagsimulang humakbang pabalik sa bar.
Inis ko namang sinipa ang gulong ng kotse.
"Bwiset!"

YOU ARE READING
My Tutor Ghost
TerrorI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...