ELLEN POVBago ang lahat, ako nga pala si Ellen Eleorde. Kilala ako bilang exorcist sa bayan namin. Maraming mga tao ang lumalapit sakin kapag binabagabag sila ng mga multo. Kaya ko kasi silang patayin ulit.
"Bakit kayo naparito? Anong sadya niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Nandito kami kasi gusto kong malaman kung buhay pa ba ako o hindi na."
"Bakit? Wala ka bang maalala?" Tanong ko ulit.
"Ba't ba ang dami mong tanong!?" Inis na napatingin ako sa lalaking nasa tapat ko.
"Manahimik ka! Kung ayaw mong gawin kitang multo!" Inis kong sigaw sa kaniya.
"Woaahh natakot naman ako dun!" Sarkastiko niya namang sabi.
"Manahimik ka na lang Nekko." Nekko pala ang pangalan niya.
"Okay fine." Napapangiti nalang ako. Kaya pala siyang paamuhin ng multong 'to eh.
"Wala ka ba talaga naalala?" Tanong ko ulit.
"Paulit-ulit?!" Sabay naming tinignan ng masama si Nekko.
"Wala eh. Nagising nalang akong kaluluwa na ako."
"Ganun ba?" Umalis ako sa harapan nila tsaka may kinuhang makapal na libro sa drawer ko. Pagkatapos ay agad akong bumalik sa harapan nila.
"Habang may babanggitin akong spell, gusto kong pumikit ka. Damhin mo ang bawat katagang babanggitin ko, dun titiyak babalik ang mga ala-alang nangyari sayo. Maliwanag ba?" Tumango lang siya bilang sagot.
"Anong klaseng spell?" Tanong ni Nekko.
"Returned Spell."
KARRA POV
(BABALA: Bawal basahin ang spell nakakamatay! Chaaarrrroottt!)
"Jen commande que je puisse me souvener des moments oū je suis encore en vie." Bigla nalang akong nahilo nang banggitin niya ang katagang iyon.
Pakiramdam ko ay nagdidilim ang paningin ko kahit nakapikit naman ako. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa mga bisig ni Nekko.
"Karra! Karra okay ka lang?" Gusto ko siyang sagutin pero hindi ko maibuka ang bibig ko.
"Ssshh... Wag kang maingay. Naglalakbay na siya ngayon pabalik sa panahong iyon."
"Kalokohan!" Rinig ko ang pagtatalo nilang dalawa ngunit wala akong nagawa para pigilan sila. Tila may sarili akong mundo.
Epekto siguro sa spell.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
HororI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...