CHAPTER 24: KILLER
"You're alive." Nanigas ako sa kinatatayuan ko matapos kung marinig yung sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nag-uunahan ng tumulo yung mga luha ko.
Buhay ako?
Magsasalita na sana ako nang bigla nalang siyang tumawa ng malakas.
"Hahahaha just kidding." para akong binagsakan ng langit at lupa.
Ano? Biro lang yun?
Nagulat ako ng sa isang iglap lang ay nakalupasay na siya ngayon sa sahig. Sinuntok siya ni Nekko.
"Hindi nakakatawa ang biro na iyon!" giit ni Nekko.
"Relax son." Natatawang sambit ng papa niya. Susuntukin na sana ulit ni Nekko yung papa niya pero buti nalang at napigilan ko siya. "Nekko tama na. Baka nakalimutan mo, ama mo pa rin siya." Napabuntong hininga siya tsaka nagsimulang humakbang palayo. Napabuntong hininga nalang din ako tsaka sumunod sa kaniya.
Nakakainis! Ba't kasi umasa pa ako!
"Your mom!" sabay kaming natigilan ni Nekko matapos iyong banggitin ng papa niya. Napatingin ako kay Nekko. Bigla nalang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"She was murdered."
"I know." walang emosyong sagot niya.
"And do you know who'se the killer is?"
"Who?" Nakaramdam ako ng kaba nang bigla nalang tumingin sakin yung papa niya. Oo multo ako, pero hindi naman ibig sabihin nun wala na akong damdamin.
"Karra's dad." Gulat akong napatingin sa kaniya. Maging si Nekko ay nagulat din.
"A-ano? P-papa ko?"
"What?!"
"You heard it, right?" napalunok ako nang bigla nalang tumingin sakin si Nekko. May namumuong luha na sa mga mata niya. "Is it true?" nahihikbing tanong niya. Tila nagmamakaawang sabihin kong hindi totoo. Mabilis akong umiling. "H-hindi ko alam." maging ako ay naiyak na rin. Nasasaktan ako.
"T-totoo ba yun? Papa?"
"Im not lying!"
"Hindi! Hindi killer ang papa ko!" Sigaw ko dahilan para mapatingin sila sakin.
"Pano mo nasabi? Diba wala kang naalala?" Natigilan ako nang sabihin ni Nekko yun.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ba't kasi wala akong maalala. Multo na nga ako wala pa akong kwenta!
"Your dad! How dare he to killed my mom!" sigaw niya sakin. Hindi ako makasagot. Iyak lang ako ng iyak sa harapan niya.
"Let's pretend that we don't know each other." Gulat akong napatingin sa kaniya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi agad nagsisink-in sa isip ko yung mga sinasabi niya. Bumuka yung bibig ko pero wala manlang ni isang salita ang lumabas mula dito. Nag-uunahan na ring tumulo yung mga luha ko.
Namalayan ko na lang na nakahakbang na pala siya palayo kasama yung papa niya.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
HorrorI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...
