CHAPTER 25: HEARTBREAK
NEKKO POV
"Arghhhh!" napasabunot nalang ako sa ulo ko.
Ang tanga ko! Ba't ko ginawa yun?! Ba't ko sinabi ang bagay na iyon.
Kasalukuyan nga pala akong umiinom sa bar ngayon mag-isa. Oo, mag-isa lang ako kasi wala na si Karra.
Nakakatawa, parang kanina lang masaya pa kaming dalawa. Tapos ngayon, napakagat labi nalang ako dahil nag-uunahan na namang tumulo yung mga luha ko.
Tutunggain ko na sana yung isang bote ng wine nang bigla nalang umilaw ang cellphone ko.
Kevin is calling...
Tinungga ko muna yung wine bago ko ito sinagot.
"What?!" walang emosyong sambit ko.
"F*ck you! Wala ka pa ring pinagbago!" sigaw niya sa kabilang linya.
Alam niya na pala. Bilis ah.
"Wala kang alam."
"kasama ko siya ngayon. Kung wala kang balak puntahan siya... Kalimutan mo na lang na naging bestfriend kita." bigla nalang sumikip yung dibdib ko. Ayaw kong pati friendship namin madadamay. He's my bestfriend since then. Yes, hes now my enemy but he's still my bestfriend. He's like a brother to me at ayaw kong pati siya mawala sakin.
"Sure." wala na. Tuloy-tuloy nang umaagos yung mga luha ko.
"Okay. So it's a deal. Wag mo na ring lapitan si Karra."
"No probs."
"Pagsisihan mong g———"
"Don't talk to me!" I hang up the call.
Tumayo ako dala yung isang bote ng wine tsaka dali-daling lumabas ng bar.
Namalayan ko na lang yung sarili kong tumatakbo patungo sa paaralan kung saan ko siya iniwan.
***
Nadatnan ko silang magkayakap ni Kevin kaya dali-dali akong lumapit sa kanila tsaka siya mabilis na hinatak palapit sakin. Hindi ko na nakita yung naging reaksiyon nilang dalawa kasi mabilis ko siyang niyakap.
"Nekko?!" gulat na tanong niya.
"Im sorry." Bulong ko sa kaniya.
"Anong—" natawa ako sa naging reaksiyon ni Kevin. "akala ko ba—"
"You can go now." putol ko sa kaniya. Napansin kong sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi kaya hindi ko maiwasang matawa. Lumapit siya sakin and then he tap my right shoulder.
"Bibigay ka rin naman pala dami mo pang satsat." he whisper. Sinamaan ko siya ng tingin pero huli na kasi nakahakbang na diya palayo.
"A-akala ko ba ayaw mo na sakin?"
"May sinabi ba akong ganun?" natatawang tanong ko. Napansin kong natahimik siya kaya nagsalita ulit ako. "May nabasa akong qoute, ang sabi dun, once in a life time you meet someone who changes everything. And you! You did it for me." nakangiti kong sabi.
"Pero pano nalang pag wala na ako. Babalik ka pa ba sa dati?" saglit akong natigilan. That question came up to my mind. Babalik nga ba ako sa dati?
Ngumiti ako. "No. Nagbago na nga ako, ba't pa ako babalik?" napangiti siya sa sinabi ko.
Sabay kaming napalingon sa labas. Mag-uumaga na pala.
"Mag-uumaga na pala. Pero hindi ka pa rin natulog." bahagya akong natawa.
"Sa dami ng iniisip ko. Nakalimutan ko tuloy matulog."
"Baliw."
"Sayo." sabi ko sabay wink.
Wait? Tama ba yung nakita ko? She's blushing.
"Nagbablush rin pala yung mga multo." natatawang sabi ko. Natigilan siya tsaka napahawak sa magkabilang pisngi niya.
"I love you... My tutor ghost." Bulong ko sa kaniya.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
HorrorI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...