CHAPTER 5: Exorcist

77 10 0
                                        


  NEKKO POV

"Tanda! Ay este... Lola!" Tawag ko kay tanda.

"Bakit apo?"

"May kilala po ba kayong taong naniniwala sa multo?"

"Meron. Kilala siya bilang isang exorcist sa kabilang bayan."

"Talaga? Kung ganun, maaari ko bang malaman kung saan siya nakatira?"

"Oo naman. Pero teka? Ba't parang napakainteresado mo yata sa taong yun?"

"Wag ka ng matanong tanda! Sabihin mo nalang kung saan siya nakatira para matapos na!" Naiiling na umupo si tanda sa swivel chair tsaka nag-sulat sa isang maliit na papel.

"Oh ayan! Puntahan mo ang lugar na iyan at doon, makikita mo ang taong sadya mo." Saad ni tanda. Mabilis kong kinuha ang papel na nasa palad niya tsaka nagmadaling umalis.  

  ________|X|________

"Dito na ba?" Tanong ni Karra sakin.

"Sa tingin mo?" Tanong ko naman pabalik sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya tsaka siya tumagos palabas ng kotse. Napabuntong hininga nalang ako tsaka na rin lumabas ng kotse.

Sabay naming pinagmasdan ng tingin ang isang malaki ngunit lumang bahay.

Ito na yata yun?

Lumapit ako sa may pinto tsaka kumatok ng dalawang beses.

*TOK! TOK!*

"Sino yan?" Rinig kong sigaw ng isang babae mula sa loob. Bahagya akong napaatras nang bigla nalang bumukas ang pinto.

Natigilan ako nang makita ang isang babaeng tumambad sa harapan ko ngayon.

"Ikaw?!" Sabay naming sambit dalawa.

Siya! Siya yung babaeng nakabangga ko sa bar nun. Lagot siya sakin!

Padabog niyang sinara ang pinto pero buti nalang at agad kong naiharang ang kanang paa ko.

"Sandali lang." Pigil ko sa kaniya.

"Ano bang kailangan mo?!"

"Hindi ako nandito para gawin ulit sayo yun. Nandito ako kasi kailangan ko ang tulong mo."

"Tulong? Sayo o sa kasama mo?" Agad akong napatingin kay Karra.

"Sa kasama ko."

"Kung ganun, pasok kayo."  


My Tutor GhostWhere stories live. Discover now