CHAPTER 26: Ellen inTrouble

61 6 0
                                    

CHAPTER 26: ELLEN IN TROUBLE

ELLEN POV

Nanaginip ako.

Hindi maganda.

Si Karra... Malalagay siya sa panganib.

Dali-dali akong nag-ayos. Pupuntahan ko siya. Pupuntahan ko si Karra.

Saktong pagbukas ko ng pinto, nagulat ako nang bigla nalang tumambad sa harapan ko ang isang lalaking nakaitim. May suot siyang bonet at mask kaya hindi ko kita yung mukha niya. Tanging mata niya lang yung nakikita ko.

Ilang beses akong napalunok bago ako nakapagsalita. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito? anong kailangan mo sakin?" sunod-sunod na tanong ko. Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko bigla niya nalang akong hinila papasok sa isang kulay puting van.

"Teka? A-anong ginagawa mo? Tulong! Tulungan niyo ako!" Nagsisigaw na ako sa loob ng van pero asa naman akong may makarinig sakin sa labas. Ngayon ko pa lang napansin, hindi lang pala siya nag-iisa.

"Manahimik ka! kung gusto mo pang mabuhay!" pagbabanta niya sakin.

"Sa'n niyo ba ako dadalhin?" tarantang tanong ko.

"Maghintay ka na lang. Masyado ka namang atat miss." natatawang sambit ng isang lalaking nasa tabi ko. Wala siyang suot na bonet at mask kaya kitang-kita ko yung mukha niya.

Ang gwapo— este ang pangit niya! Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Wag mo akong titigan ng ganiyan miss. Baka mainlove ka sakin." Nakangising sambit niya. Pigilan niyo ako, masasapak ko na talaga tong Kupal na 'to.

"Kupal!" Sigaw ko sa kaniya. Aba, bumungis-ngis pa ang gago

"We're here." lumabas kami ng van at pumasok sa... sa Hospital? anong gagawin namin dito?

"Pasok!" Sabi nung isang lalaki.

"Alam ko! hindi mo na kailangang sabihin." inis na sambit ko tsaka na pumasok sa loob ng kwarto. Mula sa loob, may nakita akong isang babaeng nakaratay sa kulay puting kama. Maraming nakakabit sa katawan niya.

"You're here." gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng boses, isang medyo may katandaan ng lalaki ang prenteng nakaupo sa sofa.  

  "S-sino ka? anong kailangan mo sakin?" Bahagya akong napaatras nang bigla nalang siyang lumapit sakin.

"You know her, right?" Sabi niya sabay turo sa babaeng nakaratay ngayon sa kama. Nagkibit-balikat ako tsaka pinagsadahan ng tingin yung babae.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang mamukhaan ko siya.

"K-karra?" hindi ko alam kung saan ako bumunot ng lakas nang banggitin ko yung pangalan niya. totoo ba 'to? hindi ba ako nanaginip? kapag malaman nila 'to sigurado akong matutuwa sila.

Maaari pa siyang mabuhay. Maaari pa silang magkatuluyan ni Nekko.

"Tatlong taon na siyang comatose." Gulat akong napatingin sa lalaki. Tatlong taon? seryoso?

"Kaano-ano mo siya? anak mo ba siya?" tanong ko. Bigla nalang siyang natawa. "No." matipid na sagot niya. Hindi! eh?

"Pero ikaw yung——"

"She's just a nobody. Yung papa niya lang yung may utang sakin." Ahh, baka tinulungan niya lang si Karra. Tumango-tango ako kahit yung totoo, hindi ko naman maintindihan.

"Do you wanna know my secret?"muli akong napatingin sa kaniya.

"Y-yes?" patanong na sagot ko kaya bahagya siyang natawa.

"Im Nekko's dad..." ha? siya yung papa ni Nekko? t-teka? naguguluhan na ako. "And im the one who killed Karra."  

My Tutor GhostWhere stories live. Discover now