OCTOBER 5, 2018
NEKKO POV
Halos dalawang taon na pala yung nakalipas simula nung nalaman kong buhay pala siya. Wala ng mas sasaya pa sakin nung mga oras na yun.
Birthday ko nga pala ngayon. Handa na ang lahat siya na lang yung wala. Debut ko nga pala, kaya sobrang enggrande ng handa. Si lola kasi eh, daming ka echosan. Napasubo tuloy ako.
"To give us his birthday speech, Mr. Nekko Jeid Ferrer." Napuno ng palakpakan at hiyawan ang buong paligid. Nagbuntong hininga ako saka umakyat sa entablado.
Tumikhim muna ako bago ako nagsalita. "First of all, I would like to say thank you. Thank you for coming guys, thank you for everything. Ahmm may ikwekwento lang akong mahalagang bagay." Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Nagbabakasakaling nandito siya.
" 2 years ago, I met a ghost named Karra." Nagulat silang lahat maliban kay Kevin. Mariin akong napapikit nang mapuno ng bulungan ang buong paligid.
Pagmulat ko, parang huminto yung mundo ko. Nandito siya... She's now standing in front of me.
Nagtama ang mata namin. Ngumiti siya sakin kaya kaya hindi ko maiwasang mapangiti sa kaniya pabalik.
"Inis na inis pa ako sa kaniya nung una. Ang kulit niya kasi eh." natawa ako ng mapakla. "Hindi nagtagal nasanay na rin ako. Nasanay na akong nandiyan siya lagi sa tabi ko. Walang oras na hindi ko siya namimiss." muli ko siyang sinulyapan ng tingin. "Hanggang isang araw, namalayan ko na lang... Mahal ko na pala siya." Tahimik lang na nakikinig sakin yung mga tao. May ibang nagbubulungan pero agad lang ding natapos.
"Believe it or not, pero binago niya talaga yung buhay ko. She changed my life. She changes me everything. That's why I love her! I love my tutor ghost." diin kong sabi. Muli kong nilibot ng tingin ang buong paligid.
"Gusto niyong malaman kong nasan na siya ngayon?" nakangiting tanong ko. Nagsitanguan silang lahat.
"That girl... She's now standing in front of me." Agad na nabaling kay Karra ang tingin ng lahat.
Dahan-dahan akong bumaba sa entablado tsaka lumapit sa kaniya.
"Karra..."
"N-nekko?" Lumapit samin si Kevin tsaka may binigay na maliit na box sakin. Tinapik niya ako sa balikat saka siya naglakad palayo.
Lumuhod ako sa harapan niya tsaka binuksan yung maliit na box. Its a wedding ring.
"K-karra. Will you marry me?" taas noong tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin. "Y-yes." tumayo ako tsaka siya niyakap ng mahigpit. Muling napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong paligid. I mouthed the word "I love you." and then I kissed her.
THE END!!!

YOU ARE READING
My Tutor Ghost
رعبI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...