CHAPTER 16: Dare

61 7 0
                                    


  NEKKO POV

Kasalukuyan kaming nakatambay ni Karra ngayon sa terrace ng kwarto ko. Gabi na. Tanging star at naglalakihang buwan lang ang nagsisilbing liwanag.

"Karra!"

"Hmmm?"

"Mag date tayo bukas." Gulat siyang napatingin sakin.

"Ha? Seryoso ka?" Tumango lang ako.

"Ayoko! Hindi naman nila ako nakikita eh. Mapagkamalan ka lang nilang baliw.

"Wala akong pakialam!"

"Nekko naman."

"Please?" Rinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Papayag ako sa isang kondisyon!"

"Kondisyon? Ano yun?"

"Magpakabait ka kahit one hour manlang." Napangiwi ako.

"Anong klaseng kondisyon 'yan?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Gawin mo nalang!"

"Okay! I'll do it!"

Just for you.  

  ***

"I will do something nice today." Bumangon ako sa kama tsaka nag-unat.

"Gawin mo na Nekko!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Karra.

"Maaga pa Karra!" Inis na sambit ko.

"It was nine o'clock." Bulong niya habang pinagmamasdan ng tingin ang wallclock ko. Napabuntong hininga nalang ako.

***
Pagbaba ko sa salas, naabutan ko si tanda na nakaupo sa sofa habang seryosong nagbabasa ng diyaryo.

"Hi lola. Goodmorning." Lumapit ako sa kaniya tsaka siya sinalubong ng halik sa pisngi. Napatigil siya dahil sa gulat. Sabagay, firstime ko pa lang naman kasing gawin sa kaniya yun.

"Goodmorning din apo!" Ngumiti ako tsaka tumabi sa kaniya.

"Nag breakfast ka na lola?"

"Hindi pa eh. Nawalan kasi ako ng gana."

"Oh? Well, I will make you a special breakfast today." Nakangiti kong tugon.

"Really?" Tumango lang ako.

"Just wait and relax." Tumayo ako tsaka siya kinindatan.

"Okay."

Nang pumasok ako sa kusina, naabutan ko ang mga maid na seryosong nagluluto ng mga pagkain. Nang makita nila ako ay agad silang nagsiyukoan.

"Good morning master." Sabay-sabay nilang sambit.

"I will make a special break fast for grandma. Can you please help me?"

"Sure master." Ngumiti lang ako tsaka na kami nagsimulang mag luto. After a minute, natapos ko na nga yung niluto ko.

Hotdog sandwich with egg and peanut butter lang naman yung hinanda ko. So easy right?

Bumalik ako sa sala tsaka inilapag sa mesa ang pagkaing hinanda ko.

"Wow. Ang bango naman." Nakangiting tugon ni Lola.

"Siyempre naman. Espesyal ka sakin eh."

"How sweet." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ang mapang-asar na ngiti ni Karra.

"May oras pa Nekko. Pwede mo pang tulungan yung mga maids." Muli niyang sambit. Itinaas baba niya yung kilay niya. Inis naman akong napatingin sa kaniya.

"Bilis na! Pumunta ka sa closet at kunin mo yung Vacuum cleaner. Tapos maglinis ka sa harap ng lola mo. Para kahit naman papano ma amaze siya sayo." Sinamaan ko siya ng tingin. Mag-rereklamo pa sana ako pero bigla nalang siyang nawala sa paningin ko. Napabuntong hininga nalang ako tsaka napairap sa kawalan.

My Tutor GhostWhere stories live. Discover now