KARRA POV
Nandito ako ngayon sa rooftop ng school building nina Nekko.
Ang ganda naman dito. Nakakarelax.
Nakaupo lang ako sa isang bench habang pinagmamasdan ng tingin ang mga nag-gagandahang ulap sa langit. Ang ganda!
"Karra!" Napalingon ako sa may likuran. Doon, nakita ko si Nekko habang seryosong nakatingin sakin. Lumapit siya sakin tsaka ako tinabihan.
"Ba't ka nandito? Oras pa ng klase diba?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala akong gana eh. Tsaka isa pa, di hamak naman na mas matalino pa ako kesa sa mga guro dito." Bakas ang pagmamalaki sa boses niya. Tsk!
"Wow! Bilib sa sarili!" Sarkastiko kong sabi.
"Totoo kaya! Ang sabihin mo... Inggit ka lang!" Mahina ko siyang hinampas sa braso. Isigaw daw ba yung huling kataga.
"Hindi noh! Masyado ka lang talagang bilib sa sarili mo!" Pinanliitan niya ako ng mata tsaka siya tumawa ng malakas. Palihim ko naman siyang tinitigan. Nagulat ako nang bigla nalang siyang tumingin sakin tsaka ako kinindatan. Napakurap ako bigla tsaka siya muling hinampas sa braso.
"Hindi ko inakalang may pagnanasa ka pala sakin." Natatawang sabi niya habang sa harap lang nakatingin.
Tumawa ako ng malakas. "Assuming ka rin eh noh!"
"Sus nahiya ka pa! Its okay Karra. Sanay naman na ako eh, sa gwapo ko ba naman kasing 'to." Nakangisi niyang sambit.
Haist! Napakayabang talaga ng lalaking 'to.
"Ewan ko sayo!" Inis na sambit ko sa kaniya. Tatayo na sana ako pero bigla niya nalang hinawakan yung kanang kamay ko. Saglit akong natigilan tsaka napatingin sa magkahawak naming kamay.
"Nagbibiro lang ako. Dito ka lang please." Pagmamakaawa niyang sabi. Tumango lang ako tsaka palihim ng ngumiti.
NEKKO POV
Ang sarap sa pakiramdam pag kasama mo yung mahal mo. Pero mas masarap sa pakiramdam kapag tunay siyang tao.
Napatingin ako sa kaniya. Nagulat ako nang makitang nakatingin din pala siya sakin. Nginitian niya ako tsaka niya ulit binalik ang tingin sa harap. Ang lakas ng karisma niya sakin! Nakakainis!
"Karra."
"Hmmm?"
"Natatakot ako."
"Bakit naman?"
"Natatakot ako kasi baka anytime iiwan mo na lang ako. Hindi ko kayanin yun pag nagkataon."
"Uh--- Ahmm Nekko! Diba sinabihan na kita dati. Hanggat nandito ako, hindi kita papabayaan. Hindi kita iiwan Nekko."
"Iiwan mo rin ako sa huli, hindi ba?" Dahan-dahan siyang tumango tsaka nag-iwas ng tingin. Agad ko siyang niyakap.
Bakit kasi hindi nalang siya naging totoong tao.
"Mahal kita Karra!" Bulong ko sa kaniya. Tumayo ako tsaka nagsimulang humakbang palayo.
"Mahal din kita Nekko!" Mahina lang ang pagkasabi niya nun. Pero sapat na yun para marinig ko.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
HorrorI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...
