NEKKO POV
Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Karra sa daan.
Binalikan kasi namin yung lugar kung saan kami unang nagkita.
"Once in a lifetime, you meet someone who changes everything." Napatingin ako sa kaniya matapos niyang banggitin ang katagang iyon.
"T-teka? Nasabi ko na sayo yan dati ah?!"
"Tama. Inulit ko lang." nakangiting sabi niya kaya napangiti nalang din ako.
Tumingala ako sa langit. "Ang ganda ng araw ngayon kasing ganda ng katabi ko." Sambit ko habang nakatingala pa rin sa langit. Tumingin ako sa kaniya tsaka siya kinindatan.
"Corny mo." Natatawang sambit niya sabay hampas sa braso ko.
"But you're blushing." Nakangisi kong sabi.
"Hindi kaya."
"Yes you are."
"Hin— Ellen?"
JAIDEE POV
Bakit ganun? Habang tumatakbo kami pakiramdam ko ay ang gaan-gaan ng katawan ko. Pakiramdam ko ay kaluluwa nalang din ako.
"Ellen." tawag ko sa kaniya.
"Bakit Kupal?" Napahinto kami sa pagtakbo.
"Anong nangyari? bakit parang pakiramdam ko ang gaan-gaan ng katawan ko?" yun bang parang anytime ililipad ako ng hangin?
"Hindi mo natandaan?" Ha?
"Ang alin?"
"Patay ka na!" nanlaki ang mga mata ko.
"Ano?!"
"Binaril ka ni Mr. Ferrer kanina. Hindi mo ba naalala?" Napakamot ako sa ulo ko. Oo nga pala nabaril nga pala ako kanina.
"Tara balikan natin yung katawan natin." Papasok na sana ako sa loob ng hospital pero bigla niya nalang akong binatukan. "Aray! ba't ka ba nambabatok ha?"
"Sira ka ba?! Nandun si Mr. Ferrer."
"Eh ano naman ngayon. Hindi niya naman tayo makikita!"
"Makikita niya tayo. May third eye siya kaya hindi tayo maaaring bumalik dun."
"Pero paano na yung katawan natin?"
"Ewan? Hali ka na ngalang. Kailangan na nating makalayo dito." Okay.
Aalis na sana kami nang may bigla nalang humarang sa dadaanan namin.
"Where are you going? Hindi pa ako tapos sa inyo!" Nagulat kami sa biglaang pagsulpot ni Mr. Ferrer.
"Anong kailangan mo samin?! Wala ka bang balak tigilan kami?!" inis na tanong ni Ellen sa kaniya.
"Wala! Dahil gusto kong sabay-sabay kayong mabura sa mundong 'to!"
"Ang sama mo talaga! Demonyo ka!" sigaw ko sa kaniya.
"Matagal ko ng alam yan!" Nagtiim ang bagang ko. Napatingin ako kay Ellen nang bigla niya nalang hinawakan ng mahigpit yung kamay ko.
Natulala ako nang bigla nalang tinulak ng malakas ni Ellen si Mr. Ferrer. Naramdaman ko na lang na nagtatakbo na pala kami palayo.
Takbo lang kami ng takbo...
"E-ellen?"
"Bilisan mo! Kupal ka talaga!" natawa nalang ako.
***
KARRA POV
"Ellen?" Sabay kaming napalingon ni Nekko kay Ellen at sa lalaking kasama niya.
T-teka? Anong meron? "kayo na?" takang tanong ko.
Bumaba ang tingin ko sa may dibdib niya. "Karra may kailangan—"
"Anong trip niyong dalawa? Ba't pareho kayong may dugo sa dibdib?" natatawang tanong ko.
"Mamaya na kami magpaliwanag. Sa ngayon, kailangan na nating umalis." natatarantang sambit nung lalaki.
"Bakit naman?" tanong naman ni Nekko.
Anong problema nila?
"Si——"
"Kompleto na pala kayo. Masaya 'to." Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.
"P-papa?"
"Son!"
"Karra! Siya yung pumatay sayo!" ha? Hindi na ako nakapagreact nang bigla nalang nagpaputok ng baril yung papa ni Nekko.
"Takbo!" sigaw ni Nekko na siyang agad naman naming ginawa.
***
Katulad nung dati pumasok kami sa isang paaralan. Ang pinagkaiba ngalang, hindi ito isang abandonadong paaralan dahil ang paaralang ito ang siyang pagmamay-ari ni Nekko.
Dali-dali kaming umakyat sa rooftop.
THIRD PERSON POV
Naisipan ng apat na mag sanib-pwersa. Sumanib ang tatlong kaluluwa sa katawan ni Nekko.
"Where are they?!" Galit na tanong ng papa niya pagdating nito sa rooftop. Hindi umimik si Nekko, nanatili lang itong nakayuko habang may paulit-ulit na binabanggit na spell. Itong spell na ito ang siyang nagpapalakas sa sanib-pwersang ginawa nila. Turo ito ni Ellen sa kaniya.
"I SAID WHERE ARE THEY!" Sigaw nito kaya hindi niya maiwasang mapatingin dito. Nanlilisik na ang mga mata nito.
Napangisi si Nekko. Kailanman ay hindi niya pinakitang natatakot siya sa papa niya.
"Sagutin mo ang tanong ko!"
"Why would I?"
"Don't fool me around Nekko!"
"Im not!" mas lalong napangisi si Nekko nang bigla nalang siyang tutukan ng baril ng papa niya.
"Don't tell me papatayin mo rin ako tulad ng ginawa mo sa kanila?!"
"Yes!" Hindi na nagdalawang isip pa ang tatlong kaluluwa. Lumabas sila sa katawan ni Nekko tsaka sabay-sabay na sinugod ang papa niya.
Napahiga ito sa semento dahil sa lakas ng impact ng pagsugod nila. Hindi na ito nakatayo dahil tila may pwersang pumipigil sa kaniya.
"A-anong nangyari? B-bakit hindi ako makagalaw?" gulat na tanong nito.
"You're now under my spell Mr. Ferrer." Nakangising sambit ni Ellen.
"Nekko! Nandito na yung— ah hi." sabay silang napatingin sa nagsalita. Si Kevin, hinihingal ito tsaka pawis na pawis. May nakasunod sa kaniyang tatlong pulis.
"Pinagkaisahan niyo ako!" sigaw ni Mr. Ferrer nang tuluyan na siyang dakpin ng mga pulis.
Nakahinga ng maluwag ang apat nang tuluyan ng nawala sa paningin nila yung papa ni Nekko.
"So pano ba yan, mauna na ako. Bye Karra, bye sa inyo..." paalam ni Kevin. Humakbang na siya paalis pero hindi pa man siya nakababa ay muli siyang tumingin sa apat. "Bye bestfriend." nakangiting sabi niya tsaka kinindatan si Nekko. Imbis na mainis ay natawa nalang si Nekko.
Sabay silang napatakip sa mukha nang bigla nalang sumulpot ang isang nakakasilaw na liwanag.
"Ayan na pala yung sundo namin." nakangiting sambit ni Ellen.
"Pano ba yan. Mauna na kami." sambit naman ni Jaidee. Tumango lang si Nekko samantalang si Karra naman ay hindi na napigilang umiyak.
"Mabubuhay ka pa Karra. Magtiwala ka lang." matapos iyong sabihin ni Ellen ay nagsimula na silang humakbang patungo sa liwanag.
"Paalam."
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
رعبI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...