CHAPTER 21: EPIC DATE
KARRA POV
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa isang bench sa labas ng nina Nekko.
Nakayuko lang ako habang pinagmamasdan ng tingin ang isang coke 'n can na nasa may paanan ko.
Napangiti ako nang maalala ang isang pang-yayari... Isang lalaki ang lumapit sa direksiyon ko. Ang gwapo niya. Ang angas ng dating niya. Parang tumigil yung mundo ko.
"Stop day dreaming!" Napagitla ako dahil sa gulat.
"Kevin?!"
"Oh?" Ngumiti siya tsaka tumabi sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.
"Diyan ako nakatira." Sabi niya sabay turo sa isang napakalaking bahay na nasa tapat ng bahay nina Nekko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tinuturo niya.
Mag kapit bahay sila ni Nekko?
"Oh? Ba't ganiyan ka makareact?" Napatingin ako sa kaniya.
"Mag kapit-bahay sila ni Nekko?" Tumango lang siya. Napatingin siya sa coke 'n can na nasa may paanan ko. Kinuha niya ito tsaka binato sa may puno sa di kalayuan.
"Hala? ba't mo tinapon?"
"Wala. Oh, nandiyan na pala yung Nekko mo." Agad akong napalingon sa may likuran. Nakita ko si Nekko habang seryosong naglakad patungo sa direksiyon namin. Sabay kaming tumayo ni Kevin.
"Ba't kayo magkasama?" Blanko lang ang ekspresyon niya nang tanungin niya yun.
"Ah eh——"
"We're dating." Nakangiting sambit ni Kevin sabay akbay sakin. Nagulat ako kaya hindi agad ako nakapag-react.
"SHUT UP!" Inis na sigaw niya kay Kevin sabay hila sakin.
"Sinagot ko lang yung tanong mo bro."
"I don't fucking care!" Inis na sambit niya sabay hatak sakin paalis.
Aray! Sakit niya makahatak ah.
"Nekko?"
"WHAT?!"
"Yung kamay ko." Napatigil siya sa paglalakad tsaka napatingin sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Binitawan niya ako then he mouthed the word "Sorry".
***
Napatigil ako sa paglalakad nang mapagtantong... Wala pala kong dalang kotse. Ang masaklap, konting pera lang yung ko dala. Aish! Kasalanan mo 'to Kevin!"Okay ka lang?" Tanong ni Karra sakin. Tumango lang ako kahit ang totoo sobrang nangangawit na yung mga paa ko.
Nagpatuloy kami sa pag-lalakad. Napatingin ako kay Karra nang bigla nalang siyang pumasok sa isang dressing shop. Tumakbo siya patungo sa isang manikin na nakasuot ng kulay pink na dress tsaka ito mabilis na sinuot.
Naiiling akong sumandal sa may puno. Hindi ko akalaing magbabago ako dahil lang sa kaniya.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
HorrorI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...