CHAPTER 28: Kupal

61 8 0
                                        


CHAPTER 28: KUPAL

Someone's Pov

"Pasok." sambit ni Tristan. yung isa sa mga kasama ko.

"Alam ko! Hindi mo na kailangang sabihin." Palihim akong natawa nang barahin niya si Tristan.

"Kakaiba rin yung babaeng yun eh noh." naiiling na sambit ni Ruby nang tuluyan ng nakapasok si Ellen sa loob.

"Sinabi mo pa!" Natatawa namang sambit ko. Papasok na rin sana ako sa loob pero pinigilan nila ako.

"Ano ka ba! Kailangan nila ng privacy dude!" Sigaw ni Tristan sakin. Kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo at maghintay na lamang.

Ilang minuto na yung nakalipas pero hindi pa rin siya lumabas kaya nagpasya na akong pumasok sa loob. Pero hindi pa man ako nakapasok sa loob...

*BOGSH!*

Umalingaw-ngaw sa buong pasilyo ng hospital ang isang napakalakas na putok ng baril.

Hindi ko alam pero bigla nalang lumakas yung tibok ng puso ko. Nanginginig na yung kalamnan ko.

Y-yung tunog na yun... galing iyon sa loob ng kwarto.

Sh*t!

Dali-dali kong binuksan yung pinto.

"Bos—"

Napako ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Nanlumo ako sa nasaksihan ko.

Hindi!

"ELLEN!" Dali-dali akong tumakbo palapit sa kaniya nang tuluyan na siyang bumagsak.

"Hoy Ellen! W-wag kang bumitaw please. M-may aaminin pa ako sayo." nababasag na yung boses ko.

"A-ano ba y-yun k-kupal." Mas lalo akong naiyak nang magsilabasan na yung dugo mula sa bibig niya.

"M-mahal k-kita matagal na. Naalala mo ba yung panahon kung saan tayo unang nagtagpo?!"

"S-sa s-sim—b-bahan. t-tama ba?" Naalala mo pa pala.

"Tama. Balak pa sana kitang ibalik dun eh.... Pero—" Wala ng ni isa pang salita ang lumabas mula sa bibig ko dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Matagal ko ng pinangarap na hawakan niya yung pisngi ko.

"K-kupal. I-ikaw y-yung da—dahilan k-kung ba—kit hindi k-ko k-ka-kayang mag m-mahal ng i-iba. I-ikaw kasi y-yung h-hinihintay ng puso ko." Bakit ganun? nahihirapan na siyang magsalita pero kinaya niya pa rin.  

  "Mahal kita— k-kupal." Para akong binagsakan ng langit at lupa nang tuluyan na siyang bumitaw.

"Ellen? ELLEEEEEENNNNNNN!" Niyakap ko siya ng mahigpit... Mahigpit pa sa mahigpit.

Bakit ganito? pinagtagpo lang ba talaga kami pero hindi kami itinadhana?! Bakit ang unfair ng tadhana samin.

Ngayon ko na ngalang ulit siya nakita. Ngayon ko na ngalang ulit siya nakasama sa ganitong sitwasyon pa.

Ako si Jaidee Marquez! Mali, ako pala si Kupal!

"May namumuong love story na pala sa inyong dalawa. Ba't di mo manlang sinabi?! Gusto mo isunod na kita?" Sinamaan ko ng tingin si boss. No! he's not my boss anymore!

"Hayop ka!" lumapit ako sa kaniya tsaka siya sinakal sa leeg. "Papatayin kitang hayop ka!" Mas lalo ko pang hinigpitan yung pagkakasakal ko sa kaniya.

"Wala sa usapan nating patayin mo siya! Pero bakit?! bakit mo ginawa 'yon!" Hindi ko na napigilan yung luha ko.

"Panira kasi siya eh! Sinira niya yung plano ko!"

"Bullsh*t!" nagdilim yung paningin ko kaya nasuntok ko siya. Sinuntok ko lang siya ng sinuntok hanggang sa mapahiga siya sa sahig.

Susuntukin ko na sana ulit siya nang may bigla nalang humawak sa braso ko.

"Wag niyo kong pigilan dude!" sigaw ko nang hindi manlang tumingin sa humawak sa braso ko. Alam ko namang yung mga kasamahan ko lang ito.

"Kupal." Natigilan ako nang marinig ko yung boses na yun. Ilang segundo ang nakalipas bago ako napatingin sa kaniya.

"E-ellen?" gulat na tanong ko. P-paano n-nangyari yun? A-akala ko ba patay na siya.

"B-buhay ka?!" Sa sobrang tuwa ko hindi ko maiwasang mapayakap sa kaniya.

Pero laking gulat ko nang tumagos lang yung katawan ko sa kaniya.

A-anong—

Nanlumo ako nang makitang nandun pa rin naman yung katawan niya sa sahig.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. B-bakit naging dalawa siya?

Mapait siyang ngumiti. "Itong nakita mo ngayon ay isa na lamang kaluluwa." Nagulat ako sa sinabi niya.

Ano? kaluluwa?

"A-ano?" Lumapit siya sakin kaya bahagya akong napaatras.

"Natatakot ka ba sakin? ako pa rin naman to ah." Mabilis akong umiling. "H-hindi. Hindi ako natatakot sayo."

"Tama na ang drama!" sabay kaming napalingon sa nagsalita. Laking gulat ko nang makitang may hawak na pala siyang baril.

"Kupal takbo!" Tumakbo ako palabas ng kwarto pero huli na kasi...

Nakaramdam ako ng kirot sa may dibdib ko.

"Hali ka na! Wala na tayong oras!" Hinila ako ni Ellen palabas ng kwartong iyon.  

My Tutor GhostWhere stories live. Discover now