CHAPTER 30: TIME TO SAY GOOD BYE
2 MONTHS LATER...
NEKKO POV
Dalawang buwan na pala yung nakalipas simula nung mangyari yung gulong 'yon.
Sa nagdaang dalawang buwan, maraming nagbago.
Si Kevin, may bago ng nililigawan. Si Honey ba yun?
Si papa? Ayun nakakulong pa rin. Pero araw-araw ko naman siyang dinadalaw. Napatawad ko na siya.
Si tanda— este si Lola naman sumakabilang buhay na rin. Pero siyempre joke lang yun.
Sa nagdaang dalawang buwan, wala kaming ibang ginawa ni Karra kundi ang sulitin ang mga natitirang araw niya.
Oo, tanggap ko ng mawawala siya. Tanggap ko ng iiwan niya ako.
"Nekko. Lagi mong tatandaan na kahit ano man ang mangyari mahal na mahal pa rin kita." napangiti ako matapos niyang sabihin yun.
"I will mark your words Karra. I love you."
"Mahal na mahal din kita Nekko."
Nandito nga pala kami ngayon sa rooftop ng school namin. Sa nagdaang dalawang buwan, nakagawian na naming tumambay dito.
Tumingala ako sa langit, kulay orange na yung araw. Ang gandang tingnan.
"Nekko..." agad akong napatingin sa kaniya. Nataranta ako kasi unti-unti na siyang naglalaho.
"K-karra?!" nagsimula ng tumulo yung mga luha ko. Nanginginig na yung mga kamay ko.
"T-tang-gap m-mo na diba?" Napailing ako.
"Not now please..." pag mamakaawa kong sabi.
"W-wal-a n-na tayong m-magagawa."
"Lumaban ka muna. J-just for me."
"I tried... But I can't."
Wala na akong ibang nagawa. Napayakap nalang ako sa kaniya.
Pumikit ako tsaka pilit na ngumiti.
Tanggap ko na diba? Pero bakit ganito? Bakit hindi ko pa rin kayang mawala siya.
"You know what, thankyou for everything. Dahil sayo nag bago ako. Dahil sayo nagkaroon ng saysay yung buhay ko." walang tigil sa pagtulo yung mga luha ko.
Napatingin ako sa kaniya nang punasan niya yung mga luha ko gamit yung magkabilang palad niya. Nangingilid na rin yung mga luha niya.
"Im sorry... K-kasi hanggang dito nalang talaga ako." Nagsimula ng maging abo yung kalahati ng katawan niya.
"Wala ka ng ibang ginawa kundi ang ipaglaban ako. *snob* karra... Sapat na sa akin yun. Sapat na sa aking pinaglaban mo ako. *snob*"
"N-nek-ko." nanghihina na yung boses niya.
"This time, di na kita pipigilan. You can go now my tutor ghost." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya and then I bend to kiss her.
Pagmulat ko... Wala na siya.
Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi. "Thank you for being part of my life... My tutor ghost." Napatingala ako sa langit dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko.
"NEKKO!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
Si Kevin.
"Si Karra!" ngumiti ako ng mapait.
"Huli ka na ng dating. Wala na siya. Iniwan niya na—."
"Nekko! Makinig ka muna sakin!" sigaw niya. Tumango lang ako.
"Si Karra! Buhay siya." Napatayo ako bigla dahil sa sinabi niya.
"A-ano?"
"Buhay siya Nekko! Buhay si Karra."
——————X——————
Dali-dali akong pumunta sa hospital kasama si Kevin.
"Dito Nekko." pumasok kami sa isang kwarto.
Natigilan ako nang makita ang isang babaeng nakaupo sa puting kama. Maraming doctor at nurse ang nakapalibot sa kaniya.
"Halos tatlong taon na pala siyang comatose."
"Akala ko wala ng pag-asa."
"K-karra?" nagsimula na namang tumulo yung mga luha ko.
Sabay na nabaling sa akin ang atensiyon ng lahat.
"Sino siya? Kaano-ano niya 'tong babae." rinig ko ang bulungan nila pero hindi ko ito pinansin dahil sa kaniya lang nakatuon ang atensiyon ko.
Dali-dali akong lumapit sa kaniya tsaka siya mabilis na niyakap.
"Akala ko... Akala ko wala ka na. Akala ko iiwan mo na ako."
"I-ikaw? Ikaw yung lalaki sa panaginip ko." natigilan ako dahil sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" wag niya sabihing di niya ako naalala?
"Ikaw yung lalaking kinababaliwan ko sa panaginip ko."
"Hindi iyon panaginip. Totoo yun Karra."
"Kung ganun—" hindi ko na siya pinatapos.
I bend to kiss her. Tinuloy namin yung naudyok naming halikan kanina.
"I love you." I mouthed and then I kissed her again.
*CLAP* *CLAP* *CLAP*
THE END
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
HorrorI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...