KEVIN POV
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang rooftop. Kakatapos lang kasi ng klase namin.
Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Nekko.
"Oh? Nekko! Sa'n ka galing?"
"Sa rooftop!"
"Hindi ka nanaman pumasok noh?"
"Pakialam mo!"
Sungit!
"Isusumbong kita sa papa mo!" Pabiro kong sabi.
"Edi isumbong mo!" Inis na sambit niya tsaka ako binanggaan.
"Relax bro! Wait— nakita mo si Karra?"
"O— hindi! Wag mo nga siyang hanapin!" Inis na sigaw niya sakin. Psh.
"Bakit? Girlfriend mo ba siya?"
"Malapit na! Kaya subukan mo lang ulit lumapit sa kaniya! Kundi— ako na ang makakalaban mo!" Humagalpak ako ng tawa.
"Hindi ako natatakot! Kalabanin mo ako kung gusto mo! Wala akong pakialam!" Ngumisi ako tsaka siya tinalikuran.
"Tignan lang natin." Muli ko siyang nilingon. Nakahakbang na pala siya palayo. Naiiling akong tinahak ang hagdanan patungong rooftop.
Mula sa malayo, nakita ko ang puting kaluluwa ng isang babae habang tuwid na nakaupo sa may bench. Saglit akong napatigil tsaka siya pinagmasdan ng tingin.
"Karra." Tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sakin tsaka ako nginitian.
"Kevin, ikaw pala." Lumapit ako sa kaniya tsaka siya tinabihan.
"Magkasama kayo ni Nekko kanina?" Tanong ko.
"Oo."
"Ahhh kaya pala hindi siya pumasok kanina. Sira talaga yung lalaking yun." Naiiling kong sabi.
"Hindi ka na nasanay." Natatawa niya namang sabi. Natawa nalang din ako.
"Sinong kausap mo?" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Naningkit ang mga mata ko nang makita ang isang babaeng parang kaedad ko lang. Hindi ko siya kilala. Natitiyak ko ring hindi siya nag-aaral dito dahil naka-syvellian lang siya.
"Who are you? Pano ka nakapasok dito? Outsider ka diba?"
"Ah o-oo. Hinahanap ko kasi yung kaibigan ko."
"Oh, I see." Muli kong binaling ang tingin kay Karra. Ngumiti lang siya sakin tsaka siya nawala sa paningin ko.
"Nakapagtatakang wala ka namang kausap sa cellphone. Wala ka ring kasama. Pero bakit nagsasalita kang mag-isa? May saltik ka ba sa utak?" Muli akong napatingin sa babae nang bigla nalang siyang nagsalita. Nagulat ako nang makitang nasa tabi ko na pala siya.
"Look. May kausap ako sa cellphone kanina Miss!" Diin kong sabi.
"Talaga? Eh kanina pa nga kita pinagmamasdan ng tingin eh." Nakangisi niyang sagot sakin. Napangiwi ako.
Seryoso?
"Stalker ka?"
"Tumpak!" Tumawa siya ng malakas tsaka ako hinampas sa braso. Ouch!
"What?! Seriously?"
"Charot lang. By the way, Im Honey. Honey Toress! And you are?"
"Kevin! Kevin Mercedes!"
"Oh? What a nice name Kevin!"
Mahina akong tumawa. Napatitig ako sa kaniya nang makitang nakisabay na rin siya sa pagtawa. Ewan ko ba kung bakit? Pero parang natetempt yata akong halikan siya.
Nagbuntong hininga ako tsaka inilapit ang mukha ko sa kaniya. Napatigil siya tsaka napatitig sakin. Nagkatitigan kaming dalawa. Hahalikan ko na sana siya nang——
"Honey!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kaniya.
"Oh, Rose ikaw pala!" Tumayo siya tsaka lumapit dito.
"Sino yan?" Rinig kong bulong ni Rose sa kaniya.
"My new friend." Sabi niya sabay ngiti. Lumapit siya sakin tsaka ako hinalikan sa pisngi. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata.
"Nice to meet you Kevin." Bulong niya. Humakbang siya palayo kasama yung kaibigan niya. Naiwan naman akong tulala.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
HorrorI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...
