KARRA POV
Finally, the hour is over. Ibig sabihin , pwede nang bumalik sa dati si Nekko. Tapos na yung dare namin.
Pumasok ako sa kwarto niya. I saw him sitting quietly in the chair.
Anong nangyari sa kaniya? Ba't parang ang tahimik niya yata?
"Nekko!" Bungad ko sa kaniya.
"Ba't ngayon ka lang?" Malumanay na tanong niya sakin.
"O-okay ka lang? May sakit ka ba?"
"W-wala! Pagod lang ako Karra."
"Seryoso ka?" Sinapo ko ang noo niya. Nagpanic ako nang maramdaman ang init ng katawan niya.
"N-nekko! May lagnat ka!"
"Don't worry. Sadyang pagod lang talaga ako."
"Pero ang init-init ng katawan mk! Kailangang... Kailangang makahanap tayo ng lunas."
"Then, be my nurse!"
"Ha? Pero multo ako. Hindi ako marunong manggamot ng tao."
"Matutulog nalang ako." Sambit niya. Tumayo siya tsaka dahan-dahang lumapit sa kama niya. Nagulat ako nang bigla nalang siyanv bumagsak sa kama.
"Aghh-hh-h" muli akong nagpanic nang bigla nalang umungol si Nekko. Dali-dali akong lumapit sa kaniya.
"N-nekko. A-ayos ka lang?" Bahagya akong nagulat nang bigla niya nalang akong niyakap. Para akong kinuryente. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.
"N-nekko?"
"Cheer me up Karra!"
"O-okay." Kumalas siya sa pagkakayakp niya sakin tsaka dahan-dahang humiga sa kama. Hinawakan niya ang kamay ko sabay pikit.
"Get well soon, Nekko." Bulong ko sa kaniya kasabay nun ang mabilis kong paglaho.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
HorrorI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...
