NEKKO POV
Kasalukuyan akong umiimom diti sa resto bar ngayon mag-isa. Ay hindi, kasama ko pala si Karra.
"Alam mo, nasanay na yata akong nandito ka lagi sa tabi ko. Kaya huwag mo akong iiwan ah." Sabi ko sa kaniya. Hinawakan ko ang mukha niya para magkasing pantay ang tingin naming dalawa.
"Hanggat nandito ako, hindi kita papabayaan." Sabi niya sabay ngiti.
"Pangako?" Ngumiti ako tsaka kinurot ang pisngi niya. "Aray!" Natatawa nalang ako.
"Nekko." Tawag niya sakin.
"Gusto kong humingi ng tulong sayo. Gusto kong malaman kung buhay pa ba talaga ako o hindi na. Please, tulungan mo ako."
"Tutulungan kita sa isang kondisyon... Turuan mo rin akong baguhin ang buhay ko. Deal?"
"Deal."
------|X|------
"Nekko! Nekko gising na! Tutulungan mo pa ako diba?" Naalimpungatan ako dahil sa ingay.
"Nekko! Gising na kasi!" Tinulak-tulak niya ako paalis sa kama.
"Nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko dahilan ng pagkahulog naming dalawa sa kama.
*BOGSH*
"Ouch!" Sabay naming sambit dalawa.
"Ikaw kasi———"
sabay kaming natigilan nang mapagtantong nakapatong pala siya sakin.
Ilang segundo kaming nagkatitigan pero siya na yung unang umiwas. Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Nekko?"
"Karra!" Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Inch nalang ang pagitan naming dalawa at konting lapit ko nalang sa kaniya magkakahalikan na kaming dalawa. Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa mukha niya at saktong hahalikan ko na sana siya nang bigla nalang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at tumambad doon ang isang maid.
"M-master. Pinatawag po kayo ni madam." Agad kong tinulak si Karra tsaka mabilis na umupo.
"Ouch!" Rinig kong sambit niya.
"M-master? O-okay ka lang?"
"Of course I am!"
"Ganun po ba? Ang weird niyo po kasing tingnan kanina."
"Wag ka ngang mangialam! Tsismosang 'to! Alis na!" Inis na pagtataboy ko sa kaniya. Yumuko lang siya tsaka siya mabilis na nawala sa paningin ko.
Nabaling kay Karra ang atensiyon ko na ngayon ay nakaupo na sa kama. Tumayo ako tsaka lumapit sa kaniya. "Are you okay?" Tumango lang siya bilang sagot.
"Okay. I need to go, diyan ka lang ah." Sabi ko sabay alis.
YOU ARE READING
My Tutor Ghost
HorrorI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...