NEKKO POVKasalukuyan kong tinatahak ngayon ang isang kalsada. Walang ka tao-tao dahil malalim na ang gabi. Tanging ilaw ng buwan at poste lang ang nagsisilbing liwanag. Nakakatakot.
"Nekko!" Napalingon ako sa likuran nang may bigla nalang tumawag sa pangalan ko.
"Karra?" Masigla siyang lumapit sakin.
"Akala ko... Akala ko hindi ka na babalik." Niyakap ko siya ng mahigpit. "Wag mo na akong iwan ulit ah." Muli kong sambit.
"N-nekko!" Kumalas siya sa pagkakayakap sakin.
"B-bakit?"
"Im sorry."
"Sorry?"
"Karra!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kaniya.
Si Kevin?
Bahagyang umatras si Karra palayo sa akin. "T-teka lang Karra! Anong ibig mong sabihin?"
"Sasama na ako kay Kevin!' Lumapit siya kay Kevin tsaka ito sinalubong ng yakap.
Tapos...
Tapos bigla nalang silang naghalikan dalawa. At sa harapab ko pa!
Napaupo nalang ako sa semento dahil sa sobrang sakit. Hindi pwede! Hindi pwede 'to!
"Pano ba yan Nekko. Natalo na kita!" Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kaniya. Lalapitan ko na sana sila pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.
A-anong nangyayari?! B-bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko?!
Bigla nalang dumilim ang paningin ko. Pakiramdam ko umiikot yung paligid ko.
"Argghhh!" Napapikit nalang ako dahil sa sobrang sakit.
***
Nagising akong puno ng pawis at kaba.
P-panaginip lang yun? I-ibig sabihin hindi yun totoo?! Haist buti naman kung ganun.
Bumangon ako sa kama tsaka nag-unat. Pero natigilan ako nang maalala ko ang panaginip ko. Akala ko totoo! Akala ko totoong iiwan niya na ako!
Ayoko nang maulit ang nightmare na iyon. Natatakot ako!

YOU ARE READING
My Tutor Ghost
Kinh dịI'm Patrick Nekko Jeid Ferrer. The one and only child of the Ferrer family. We're one of the richest families. I was just 15 years old back then when my mom died. She's the only one that I love. But now, she's gone. Kaya dahil dun nagiging miserable...