Hiarlco
Malalim na ang gabi. Bilog na bilog ang buwan na pinaliligiran ng maliliit at kumikinang na bituin. Sa gitna ng isang liblib na lugar, abandonadong mga bahay at lote, mataas na mga puno. Sa katahimikan ng mga ito, nanaig ang ingay ng isang nakakabulahaw na musika.
Isang musika kung saan mapapaindak ka. Mga babaeng kinulang ng tela ang suot na damit, matapang na amoy ng alak, mausok na sigarilyo at mga nagtatawanang mga tao.
Nakakahilo ang iba't ibang kulay sa paligid, idagdag mo pa ang galaw at sayaw ng mga taong naririto. Halos hindi na nila marinig ang isa't isa sa ingay ng musika.
Nagkalat din ang mga taong gumagawa ng kababalaghan sa mga sulok. Ang lasing na mga pagkilos. Ang wala sa wisyong pagsasalita.
Ang mga ngiti sa mga labi ng bawat isa, lingid sa kanilang kaalaman ang mga taong nakamasid at handa ng maghasik ng lagim. Uhaw na uhaw, gutom na gutom sa nagsasayahang mga tao.
Sa isang iglap, pinuno ito ng nakakatakot na sigaw. Pagkataranta, takot ang namayani sa paligid. Sa ilalim ng bilog na buwan at payapang kalangitan, nag simulang kumalat ang lagim.
Kahit saan ka tumingin, may makikita kang bangkay. Bangkay ng mga taong kanina lamang ay nag kakasayahan. Bangkay ng mga taong kanina lamang ay nagsasayawan.
Ang lasog lasog na mga katawan, ang dilat na mga mata. Walang nakatakas. At sa kabila ng pag ataki ng kung ano, lima ang nanatiling nakatayo na tila takot na takot at gulat na gulat sa biglaang pangyayari.
Naluluha ang mga mata na nakatingin sa dugo na unti unting bumabaha galing sa mga taong kanina lamang ay kasama nilang nag kakasayahan.
Nanginginig ang mga kamay na tila ba nawala ang kalasingan sa katawan. Hanggang sa tuluyan at sabay sabay silang nawalan ng malay.
Breaking news
Isang daang katao ang natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa dulo ng Masbate.
Kagimbal gimbal ang mga itsura ng mga ito kung saan labas ang mga lamang loob at halos lahat ay nakadilat ang mga mata. Masasabing higit na sa dalawampu't isang oras na silang patay ayon na rin sa mga itsura ng mga patay.
Literal na bumaha ng dugo sa lugar na ito. Pinaniniwalaan na ito ay kagagawan ng mga terorista o ng mga psycho.
Sa isandaang katao, ilang kabataan pa ang naiuulat na nawawala at dalawa dito ang napangalanan na. Kasalukuyan na itong ini-imbistigahan ng mga police. Mag-iingat po sa lahat!
Maria Eclara, naguulat.
>after 5 days <
MISSING! CAll 09Xx51xx71x if found!
Patrick Palo Antonio
18 years oldClementine Agor
18 years oldFlannery Valdis
18 years old--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡