Clementine Agor
Ilang oras na ang lumipas at hanggang ngayon wala paring nangyayari. May mga wierd lang na kaganapan like may maririnig kaming sumisigaw sa labas ng classroom na to. Walang nagtangkang mag simula ng kwento, or magkwentuhan manlang.
Lahat yata na lubog sa malalim na pag iisip o pag tanggap na mamatay kami sa bulok na classroom na to.
"GOOD DAY, KWATROS!" Nanlaki ang mga mata ko.
"Ugh!" Natulos ako sa kinatatayuan ko at natagpuan ko nalang ang sarili kong ginawang shield ng mga kasama ko.
Literally, lahat sila nagtago sa likod ko pati yung tatlong lalaki.
"Seriously, guys?!" Sinamaan ko silang lahat ng tingin.
Acceptable pa si Flannery Valdis kasi mukha siyang mahinhin na pokpok pero yung tatlong lalaki?! Ugh!
"How's your stay here?" Muling nadako ang tingin namin sa babaeng nasa salamin. Oo. Isang babaeng may buntot, mahaba at patulis ang mga tenga, naka suot ng dress na gawa sa dahon? I guess at iisa lang ang mata.
See?! Sinong hindi mag fr-freak out?! Hindi ko inalis ang tingin dito kahit kinakain ako ng kaba at takot sa loob ko. Bagkos, mahigpit na hinawakan ko ang dos por dos na napulot ko lang kanina
"S-sino ka?" Matapang na saad ko. Walang kwenta yung mga kasama ko.
"Ito na yung sinasabi ko, mamatay tayo." Sabi ni Aldione Badua.
"How i wish" sambit pa ni Patrick Palo Antonio.
"I'm Winchester, and i'm here to guide you for the whole tour as you enter Hiarlco." Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
"Nababaliw ka na ba?" Hindi maiwasang tanong ko. Marahan itong umiling at nag pa cute pa.
"At pwedi bang mag tagalog ka?! Nasa Pilipinas tayo oy!" Itinulak ko si Hearley Farro palapit sa salamin dahil sa sinabi nito.
"Ugh! Bakit mo ginawa yun?" Gulat na banggit niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Don't you understand english dude?" Si Patrick Palo Antonio ang sumabat. Balak pa yatang mag away.
Akmang sasagot si Haerley Farro ng humagikgik ang nagpakilalang Winchester.
"We're not in the Philippines, Handsome. And yeah, kaya kong magtagalog." Nakangiting banggit nito. Iwinagayway niya pa ang buntot niya na akala niya naman ikinaganda niya.
"So nasaan tayo?" Si Flannery Valdis na ang nagtanong na para bang nakabawi na sa gulat kahit nanginginig ang boses nito.
"Nasa bungad na kayo ng Hiarlco. Ang kailangan nalang ay tuluyan kayong makapasok para ma-verified na ang entries ninyo."
Hindi ko maitindihan kung anuman ang sinasabi niya. Hindi ko rin masabi kung ako ba ang nasisiraan ng ulo o siya.
Paano niya nagawang pumasok sa salamin? Ugh!
"Verified? Entries? Mabubuhay ba kami dyan?" Maging ako ay natigilan sa tanong ni Aldione Badua. Tiningnan ko si Winchester na nag dadalawang isip na tumango.
"Mabubuhay kayo kung mananatili kayong buhay." Makahulugang banggit nito.
"Teka, ano?" Hinigpitan ko ang hawak sa dos por dos.
"Ang mga numero na nasa katawan ninyo, yan ang mag sisilbing pag kakakilanlan ninyo." What, wait?
"Aldione Badua will be known as 21. Patrick Palo Antonio will be called 27. Hearley Farro will be known as 26. Flannery Valdis is 23, and you, Clementine Agor will be called 22. They will rank you according to your brain and skills. Your number will serves as your identity as you officially enter Hiarlco." Mahabang litanya nito.
Tiningnan ko siya na para bang binabasa kung totoo ang sinasabi nito. Pero honestly? Mukha siyang tanga sa sinasabi niya.
"Wait, wala akong maintindihan sa sinasabi mo." Pag sukong banggit ni Hearley Farro.
"Maiintindihan niyo rin sa paglipas ng mga oras. Wala kayong ibang pag pipiliian kundi sumama sa akin o magaya sa mga taong namatay sa pag atake ng mga 46. " napakunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Sampong araw na kayo sa lugar na iyan. Sigundo nalang ang bibilangin bago kayo tuluyang matagpuan at makita dyan." At tama ang sinabi niyang iyon. Nakarinig kami ng sunod sunod na pagkalabog sa pinto.
"Paano kami makakapasok?" Tanong ko ng walang pag dadalawang isip. Habang ang mga mata ay nasa pintuan hanggang sa tuluyan iyong nabuksan.
"Sa salamin! Pumasok kayo sa salamin!" Nagtagpo ang mga mata namin ng nilalang na iyon. Nakakatakot, nakakapanindig balahibo.
"Nahihibang ka na ba?!" Rinig ko pa ang boses na pag tutol ni Haerley Farro kaya napatingin ako sa mga ito.
"Sundin niyo nalang siya, pwedi ba?! Ayoko pang mamatay!" Tumalon sa mismong salamin si Flannery Valdis, at halos magkasunod na pumasok sa salamin si Haerley Farro at Patrick Palo Antonio.
Mahigpit ang hawak ko sa dos por dos. Dahan dahang lumapit sa salamin at hinihintay na makapasok si Aldione Badua.
"Ano?! May balak ka bang pumasok?!" Singhal ko dito. Doon naman siya nabalik sa wisyo at gulat na napatingin sa akin. Wala pa yata siyang balak gumalaw kaya marahas na itinulak ko siya sa salamin, gulat lang siyang napatingin sa akin at walang nagawa.
Nanggagalaiti ang mga mata ng kung anong nilalang sa akin. Iwinawasiwas ko ang dos por dos para hindi sila makalapit. Obligado ba akong gawin to?! Habang patagal ng patagal lalo silang lumalapit.
Huminga ako ng malalim, siyam ang mga kamay ng mga ito at may tatlong paa. Buhaghag ang buhok at may matabang pangangatawan. Matutulis ang kulang kulang na ngipin nito at tumutulo ang laway.
"Kyaa-!" Napasigaw nalang ako at nabitawan ang hawak ko ng may humila sa akin kung saan. Malakas at walang ingat ang hila nito na halos masira ang damit ko. Hanggang sa makaramdam ako ng hilo.
Mariin akong napapikit at hinihintay ang nakatakdang pag kamatay ko. Dapat ako nalang ang naunang pumasok sa salamin! Ugh! Malas naman o! Edi sana ako yung nakaligtas sa mga walang kwentang kasamahan ko.
Napamulat nalang ako ng biglang may pumitik sa noo ko.
"You look pale" unang bumungad sa harapan ko mismo ang mukha ni Patrick Palo Antonio.
Umatras naman ako bilang tugon. Doon yata ako mamatay. Walang hiya.
"Pasalamat ka sa kanya, siya ang naglakas loob na hilahin ka." Sambit ni Haerley Farro. Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko.
"Salamat." Doon ko lang napansin na totoo nga si Winchester. Nasa harapan ko siya mismo at hindi dumidikit ang mga paa niya sa mismong lupa.
Tiningnan ko siya at yung salamin na nakalutang din sa ere. Kitang kita ko ang tinatawag niyang 46 na nag wawala sa loob ng classroom na yun hanggang sa umalis na sila at doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Feeling ko tinakasan ako ng lakas ko at bahagya pang nanginig ang mga tuhod ko. Ito ang aftershock na nangyari sa akin. Nabalik lang ako sa wisyo sa matinis na boses nito.
"Again, my name is Winchester, ang welcome to Hiarlco, Kwatros! "
--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡