Third Person.
Nangyari na ang kinatatakutan ng lahat. Maraming nagkakagulo habang patuloy na kumakalat ang apoy sa paligid. Kinakain ang buong lugar na para bang isang ilog ng apoy na walang tigil sa pagagos.
Unti-unting sinisira ang mga halaman, ang mga puno, ang mga kabahayan. Bukod sa init na dulot nito, may iba pang emosyon ang nangingibabaw sa paligid. Takot. Ang ang emosyon na iyon ang patuloy na nagpapatibay sa apoy.
"Hindi! A-anong nangyayari?" Tarantang sigaw ni Patrick na hindi na alam ang gagawin.
Basta, tuloy-tuloy sila sa pagsira sa mga kabahayan para mailigtas ang mga Hiarlcon na na-trap sa kanilang mga tahanan.
Malalim na ang gabi, pero nagaalab ang buong lugar.
Dinala ng Kwatros ang mga Hiarlcon sa ibaba ng templo. At mula sa ibaba, kitang-kita nila si Kodiak at Eco na nasa itaas at nakamasid.
Walang ginagawa at nanatiling nakatingin lamang sa mga Hiarlcon na humihingi ng tulong.
"Nangyari na." Sambit ni Eco at nilingon si Kodiak.
"Minaliit natin siya." Sambit ni Kodiak. "Hindi ko alam na kaya niyang isakripisyo lahat ng inosente para sa sariling kagustuhan na makabalik sa mundo ng mga tao."
"Ang Kwatros, sila ang tatapos sa lahat." Namayani ang katahimikan sa dalawa.
Hinayaan lamang nila na kumalat ang apoy. Unti-unting nagsiliparan palayo ang mga ibon at kahit na ano mang nilalang na naninirahan sa paligid.
Kailangan nilang makalikas, pero paano? Paano sila makakaalis ng Hiarlco kung binabalot na ng apoy ang buong lugar? Paano sila makakatakas kung unti-unti na silang nanghihina?
Walang tutulong. Walang ibang maaring tumulong sa kanila. Biglaan ang mga naganap, sa kalagitnaan ng gabi, sa ilalim ng maliwanag na buwan.
"Ano ng gagawin natin ngayon?" Tanong ni Geryk habang nakamasid kay Flannery na ginagamot ang ibang nasugatan.
"Kulang tayo. Nasaan si Clementine?" Biglang tanong ni Patrick na nililibot ang lugar.
Tinitingnan ang bawat Hiarlcon na nakaratay sa damuhan at wala ng buhay.
Sinimulan nilang hanapin si Clementine sa bugkos ng mga Hiarlcon. Sa iba't ibang tirahan na tinupok na ng apoy. Sa nagbabagang paligid, sa mausok na mga tahanan.
Pero wala. Walang bakas ng isang Clementine.
"Hindi niyo na kailangan pang hanapin ang taong dahilan ng lahat." Malamig na sambit ni Haerley na nakapagpatigil kay Patrick.
Nilingon niya ito at nakita ang lalaki na mataman na nakatingin sa paligid, habang lumalabas sa katawan nito ang isang kulay berdeng enerhiya, sumusubok na kontrolin ang apoy sa kahit na katiting na paraan.
"H-Haerley.."
Tumingin si Haerley sa kanya at doon niya nabasa nag emosyon na naglalaro sa mata niya. Parang nasasaktan ito at naguguluhan.
Hindi nito alam kung bakit.. bakit may kung anong enerhiya na lumalabas sa katawan ni Haerley. Kung bakit ibang prisensya na ang nararamdaman nila dito. Kung bakit parang ibang tao na siya.
"Si Clementine ang may gawa nito.."
"A-ano?" Tuluyang humarap si Patrick kay Haerley. Mabilis na umiling ito. "A-anong sabi mo?"
Umiwas ng tingin si Haerley. Hindi niya kaya na makita ang ganuong klase ng emosyon sa mga itinuring niyang kaibigan pero may karapatan silang malaman. May karapatan sila na malaman kung ano nga ba ang tunay na nangyayari.
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasíaBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡