Clementine.
"Ako, Clementine. Pagkatiwalaan mo ako."
Tinitigan ko ng maigi ang mga mata niya habang patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Bahagya kong ipinilig ang ulo pakanan at natawa ng mahina.
"Paano ko mapagkakatiwalaan ang taong hindi naman totoo kapag kaharap ko?" Bumalatay ang sakit sa mga mata niya.
"Hindi pa ba sapat na palagi akong nandito para sayo?" Mahinang bulong niya sa sarili. Akmang itaas nito ang kamay para hawakan ako sa balikat pero hindi niya tinuloy.
"Sumunod ka na lang sa pagsasanay, Clementine." Tinalikuran niya ako at nauna ng umalis.
Naikuyom ko ang kamao at mariin na ipinikit ang mga mata. Isinandal ko na lang ang katawan sa gilid habang yakap ang tuhod at hindi ko mapigilan na ilabas ang lahat.
Ang pagkagulo, sakit, hindi ko na alam. Basta halo-halo ang emosyon sa loob ko. Ganito pala yung pakiramdam, yung alam mo na pinaglalaruan ka na kaso wala kang magawa.
"Halika na." Napahinto ako at tumigil ang mata ko sa pares ng paa na nasa harap ko. Nagangat ako ng tingin at lalo akong napaiyak ng makita kung sino ito.
Masyado ka ng nagiging iyakin, Clementine.
"Haerley." Bahagya siyang ngumiti at inilahad ang kamay sa akin. "Diba, u-umalis ka na?" Umiling siya sa akin.
"Ginawa ko lang yon kasi akala ko pipigilan mo ako." Kumunot ang noo ko. "Kaso hindi e. Hinayaan mo akong umalis kaya kung hindi mo ako pipigilan sa tuwing aalis ako, edi hindi na lang ako aalis sa tabi mo."
"A-ano bang sinasabi mo?" Bumuga siya ng hangin at tiningnan ako ng diretso sa mata.
"Halika na. Hindi ka dapat nagpapaapekto sa nakapaligid sayo."
Inabot niya mismo ang kamay ko ng hindi ko tugunan ang pagkakalahad ng kamay niya.
"Gusto mong makabalik sa mundo ng mga tao, hindi ba?" Tumango ako. "Tutulungan kita."
"Paano ka?"
Ngumiti lang siya sa akin at iniwas ang tingin. Piangsawalang bahala ko ang reaksyon niyang iyon at hinayaan nalang siya na hilahin ako palabas ng kweba ng dragon.
Nagtungo kami sa kubo.
"Ayusin mo muna ang sarili mo, Clementine. Kung gusto mong malaman ang lahat, umakto ka na walang alam."
Naguguluhan man ay sinunod ko ang utos nito na ayusin ang sarili ko. Pipilitin kong malaman ang totoo, pipilitin kong makaalis dito sa Hiarlco.
Hindi ko man matandaan ang mundo ng mga tao, alam ko. Ramdam ko. May uuwian ako. May naghihintay sa pagbabalik ko.
Nang matapos ako ay lumabas na ako ng kubo. Nakita kong nakayuko si Haerley ay parang malalim ang iniisip. Naramdaman niya yata ang tingin ko ng bigla siyang magangat ng tingin.
Si Haerley lang pala talaga. Simula noong una, siya pala talaga. Siya yung palaging nagaabang sa akin dito sa labas ng kubo, siya yung palaging nakaka tyempo sa akin tuwing nasa kapahamakan ako. Si Haerley yung madalas na gumamot ng sugat ko sa tuwing magagalusan ako. Si Haerley yung may alam kapag kailangan ko ng magpahinga.
"Halika na." Ngumiti lang ako dito at sinabayan siya sa paglalakad.
"Okay ka na ba?" Tumango ako ng kaunti. Huminga ako ng malalim.
"Kailan mo pa alam?" Naramdaman ko ang bahagya niyang pagtingin sa akin. "Na ikaw at ang oras dito sa Hiarlco ay iisa.." halos pabulong na tanong ko.
"Noong unang pagpunta natin sa Hiling." Sambit niya. "Doon ako nalinawan. Ipinakita sa akin ng pixies ang lahat. Hindi ako tao, Clementine. Isa lang huwad ang katawang tao ko para lokohin ang lahat. Kaya pala pamilyar at parang mataas ang tingin ko kay Aldione. Dahil siya ang Kalikasan."
Hindi ako nagsalita.
"Anong mangyayari sa mga tao na nandito?" Bahagya siyang tumigil.
"Ikaw na lang ang nagiisang tao na nandito sa Hiarlco, Clementine."
Bahagya siyang huminto at tumingin sa akin ng mariin. Punong-puno ng emosyon. Umangat ang kamay niya para bahagya akong hawakan sa pisnge.
"Huwag kang magpasakop sa Hiarlco. Ako mismo ang maguuwi sa'yo sa mundo ng mga tao."
Wala sa sariling napatango ako dito. Ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko siyang pagkatiwalaan, pero hindi ko alam kung bakit may tiwala ako sa kanya. Kung bakit naniniwala ako sa kanya.
Na tutulungan niya ako.
Tutulungan niya akong makaalis dito sa Hiarlco.
Nakarating kami sa templo kung saan walang humpay na nagsasanay ang Kwatros. Napansin ko pa ang blankong tingin ni Aldione sa akin, at ang bahagyang pagngisi nito. Ano ba talagang plano mo, Aldione?
"Hey, laban tayo Clementine." Hinagisan ako ni Patrick Antonio ng isang mahabang espada. Agad ko naman itong nasalo.
Bahagya akong tumingin kay Eco na parang walang pakialam. Nakatingin lang siya sa amin -- parang wala sa sarili.
Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya at tinanguan niya lang ako bilang tugon. Na parang nabasa niya ang iniisip ko, na pinapayagan niya akong makalaban si Patrick Antonio.
Bahagya akong nginitian ni Hearley. Tumigil naman ang iba sa ginagawang pagsasanay para ituon ang pansin sa amin ni Patrick Antonio.
"Nakaka-miss ka, Clementine." Bahagyang kumunot nag noo ko sa sinabi niya ng magkaharap kaming dalawa.
"Ano bang sinasabi mo?" I asked.
"Ewan. This past few days, wala ka sa sarili mo. Parang blur lang ang paligid sayo, wala ka ring masyadong pinapansin." Bumuga siya ng hangin.
"Hindi rin kita maramdaman." I shrugged.
Hinawakan ko ng mahigpit ang espada at pumwesto na.
"Seryosohin mo." Sambit ko nalang. Tumango siya at kaagad na tumakbo palapit sa akin.
Sinalag ko ang espada niya, naglikha iyon ng malakas na ingay ng espada. Tuloy tuloy lang kami sa paglalaban pero wala namang nagtatangka na sugatan ang isa't isa.
I'm tired of this. Yung pakiramdam na halos laaht ng tao sa paligid mo ay nagdadalawang isip na i-trato ka ayon sa gusto talaga nila.
Nang muling magtama ang espada namin ay eksakto at malakas na sinipa ko siya dahilan para dumausdos siya sa sahig.
Nanlaki naman ang mata ko at binitawan ang espada para tulungan siya sa pagtayo.
"Okay ka lang?" Napamura ako ng mahina. Hawak nito ang sikmura niya na siyang sinipa ko. Lumapit naman si Flannery sa akin habang tinapik ako ni Haerley sa balikat.
"I'm sorry." Mariing ipinikit ko ang mga mata.
"Galit ka yata, Clementine? Masyadong malakas ang sipa mo." Tiningnan ko si Geryk na nagsalita. Huminga ako ng malalim at ipinilig ang ulo pakanan.
This.. is driving me crazy.
×
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡