Hiarlco 35

101 7 0
                                    

Clementine.

Nagising ako ng makaramdam ng tingin. Iniangat ko ang ulo mula sa pagkakaubob sa gilid ng kama ni Patrick.

"Okay ka lang? I'm so sorry." Kinagat ko ang pangibabang labi. Sinusubukang kontrolin ang emosyon sa loob ko.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko, Clementine. Okay ka lang ba talaga?" Muli kong isinubsob ang ulo sa gilid ng kama niya. Nakaupo ako sa sahig, hindi ko na pinansin kung ano ang itusra ko ngayon.

"I'm guilty. Sorry." Mariing ipinikit ko ang mga mata ng magunahan sa pagtulo ang luha ko. Naramdaman ko lang ang bahagyang paghaplos niya sa buhok ko.

Dapat hindi ko siya sinipa o kaya dapat hindi nalang ako pumayag na makipaglaban sa kanya. Noong oras na sinipa ko siya sa sikmura at nakita ang biglaang pagsuka niya ng dugo, natakot ako. Natakot ako sa para sa kanya.

Pero mas natakot ako sa sarili ko. Paano kung napatay ko siya? Paano kung lumala ang kondisyon niya? Paano kung ako talaga ang magdadala ng kapahamakan sa grupo?

Yung sipa na pinakawalan ko, hindi ko napansin na masyadong malakas. Hindi ko napansin.. I just wanted to release my anger. At hindi ko sinasadya na si Patrick ang nakalaban ko.

I hate this feeling.

"Stop crying, Clementine. Buhay pa ako." Nagangat ako ng tingin at pinunasan ang luha ko.

"Namatay ka na ng isang beses." Doon kumunot ang noo niya.

"Huh? Baliw ka ba?" Natatawa niyang tugon. Tiningnan ko siya.

"You can't remember? The classroom, yung salamin, yung pagpasok natin sa Hiarlco?" Nagtataka niya akong tiningnan.

"Dito tayo pinanganak, Clementine. Magkasama tayong lumaki." Tumawa siya. "Mukhang kailangan mo ng gamot."

Matagal ko siyang tinitigan. He can't remember? Bahagya ko siyang nginitian.

"Pagod lang siguro ako," mahinang sambit ko.

Nagpaalam ako sa kanya. Sabi naman ni Winchester na pahinga nalang ang kailangan ni Patrick. Lumabas ako ng tinitirhan namin at umupo sa ilalim ng puno.

What to do, Clementine?

"Sinabi ko naman sayo Clementine. Nasakop na sila ng Hiarlco." Tumingala ako at nakitang nakaupo sa may sanga si Aldione Badua.

Hawak niya sa kamay ang pulang ribbon.

"Ikaw na ang susunod." Naikuyom ko ang kamao. Bumaba ang tingin niya sa akin at walang emosyon na tumawa.

The view of him at ang background nito na mga dahon, the way he blends with it.. siya nga talaga ang Kalikasan. But why does he looks so good?

"You have no time to admire me, Clementine. Sasakupin ka ng Hialrco at wala kang magagawa." Tinaliman ko siya ng tingin.

"Hindi ako papayag." Mariing sambit ko.

"Wala kang choice. Ni hindi mo nga maalala kung ano ang buhay mo sa mundo ng mga tao."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tumalon siya sa mismong harap ko. Sinalubong ko ang tingin niya. Ang ngisi na naglalaro sa labi niya.

"Naguumapaw ang galit mo, Clementine. Susunugin mo na ba ang Hiarlco? Kaya mo bang isakripisyo lahat ng dating tao na nandito? Lahat ng Hiarlcons na walang alam sa nangyayari?" He took a step back.

"Pero may isa pang emosyon sa'yo Clementine." Inihagis niya ang pulang ribbon at pumulupot iyon sa bewang ko, marahas na hinila niya ako papalapit sa kanya. He.. his presence makes me hitch my breath.

"Takot."

The moment his eyes turned into deep green, I know, I need to run away -- but why can't I look away?

"Clementine, Aldione."

Biglang naglaho ang ribbon na pumulupot sa bewang ko kanina lang. At sa loob ng kisap mata, bumalik sa dati ang kulay ng mga mata niya.

"Winchester," nginitian niya ako ng matamis bago ako abutan ng ilang prutas. Napalingon na lang ako sa papalayong bulto ni Aldione Badua.

Umupo si Winchester sa tabi ko.

"May problema?" Paano ko sasabihin na lahat ng nangyayari ay problema? Imbis na sagutin ang tanong niya ay tumitig ako sa tirahan namin.

"Matagal ka na dito?" I asked. Bahagya niya akong sinulyapan.

"Pakiramdam ko sobrang tagal ko na sa lugar na ito. Parang parte ako ng lugar, parang iisa kami ng Hiarlco. Ang sarap sa feeling, Clementine. Kung hahayaan mo lang na maramdaman ng Hiarlco ang nararamdaman mo." Nakangiti niyang banggit.

Tumitig siya sa malayo.

"Bakit kami ang napili?" Kumunot ang noo niya pero bumalik din sa dati.

"Pinipili ng Hiarlco ang mga Hiarlcon na may kakaibang kakayahan, Clementine." Huminga siya ng malalim.

"Ikaw ang napili kasi kaya mo."

She looked at me. Sa pinakaunang pagkakataon, nakita ko ang isang emosyon sa mata niya.

Pag-asa? Lungkot? Agad din na nawala iyon at napalitan ng masayang emosyon. Nanatili akong nakatingin sa kanya.

Bahagya akong napahawak sa dibdib ko ng tuluyan siyang umalis. Si Sylvie ang tumutulong sa akin, sa kakayahan ko. Hinabol ko ang paghinga.

Si Sylvie at ang namumuno sa Hiarlco ay iisa. Si Winchester at si Sylvie ay iisa.

Mariing ipinikit ko ang mata ng biglaang sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Kapangyarihan at lakas ni Sylvie ang taglay ko. Nababanggit na ni Kodiak sa akin ang bagay na yon. Pero si Winchester at si Sylvie ay iisa.

May alam kaya si Winchester? Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Haerley. Kung gusto kong malaman ang lahat, magpanggap ako na walang alam.

"Clementine! Okay ka lang?" Inalalayan ako ni Geryk. Tumango ako sa sinabi niya at huminga ng malalim.

Tama si Aldione. Hindi ko na maalala kung ano ang buhay ko sa mundo ng mga tao, pero naalala ko kung paano ako napunta sa Hiarlco.

Malabong mga tao, nagkakasiyahan, alak, sigarilyo at droga. Magulong mga ilaw, blur na mga mukha, maingay. Malalim ang gabi at bilog na bilog ang buwan. Tapos nagkagulo.

Hindi ko rin maalala ang dahilan kung bakit nandoon ako noong gabing iyon. Hindi ko matandaan kung bakit nakatayo ako sa gilid noong gabing iyon, kung bakit nagmamasid lang ako habang pinapatay nilang lahat ang nasa party.

At hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang ala-ala ko.. hindi Clementine, hindi pwede yon. Kama-kailan lang ay hindi mo matandaan kung ano ang mga nangyari!

Pero bakit ngayon naalala mo pati ang pakiramdam?!

Kung bakit nakatayo lang ako sa gilid, nagmamasid at parang nasisiyahan sa pagpatay.

×

PS:

Saan na 'to patungooo? ~
Hindi ko na kasi alam ~ 🎶

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now