Clementine Agor
Lahat ng Hiarlcons ay sa amin nakatingin simula ng lumabas kami sa tinutuluyan namin. May mga bata pa na parang gustong makipaglaro. Hindi ko alam kung ngi-ngiti ba ako o kung ano.
Inilibot ko ang tingin. Ibang iba ang itsura ng Hiarlco kapag sumapit na ang dilim. Kung umaga para siyang green na mga puno, ngayon naman ay nag babagang apoy ang kulay dahil narin sa mga sulo na nagsisilbing liwanag.
Nakakamangha na nakakatakot. May mga nagkalat na mga Hiarlcons sa paligid na para bang inaabangan kaming lahat na magpakilala sa ganitong itsura.
Sa pag lalakad, nakarating kami sa isang mahabang lamesa, naroon si Kodiak at Winchester na nakangiti sa amin ng malapad. Ang kaninang maingay na paligid ay tumahimik.
Sinalubong namin ng ngiti si Kodiak na agad kaming ininyayahan sa mahabang lamesa, sa ilalim ng mga puno, at sa nagbabagang apoy na nagsisilbi naming ilaw.
"Kamusta ang inyong pagtulog?" Bungad nito ng makaupo kami. Medyo malayo ng konti ang kinaroroonan namin sa mga Hiarlcons at walang nagtangkang lumapit bukod sa aming lima, kay Kodiak, kay Winchesca at isa pang Hiarlcons na nandirito.
May mga kawal din na nakabantay sa paligid na para bang sinisigurado na hindi kami mai-istorbo sa nakatakdang paguusap.
"Mabuti naman ho." Si Flannery Valdis na nagsimula ng kumain. Kumuha narin kami ng kanya kanya naming kakainin. Mga prutas at gulay lamang ang nandirito na weird ang mga itsura at kulay.
"Kayo pala ang Kwatros. Anong maibubuga ninyo?" Natigilan ako sa tangkang pagsubo ng pagkain at tinapunan ng tingin ang kanina pa tahimik na kasama namin.
Hindi ko siya kilala pero sa tingin ko, isa itong spoiled brat na mas bata ng konti kay Kodiak.
"Eco." Nagbabantang tono na saway ng huli. Tumikhim naman ako para alisin ang inis sa loob ko.
"Bakit, kapatid? Hindi ba dapat lamang na itanong ko iyon sa kanila? Ano bang maibubuga ng mga mortal na ito kumpara sa 46 at mga nagbabalak sumakop ng Hiarlco?" Nanguuyam na banggit ni Eco, kung hindi ako nag kakamali.
"Ano bang magagawa niyo?" Tila pumait ang panlasa ko kaya mas minabuting ibinaba ko ang prutas na dapat kakainin ko at nakipag tagisan ng tingin kay Eco.
"Ano po bang ipinupunto ninyo?" Narinig ko ang boses ni Hearley Farro na halatang naiinis na.
"Isa kang mortal, iho. Anong alam niyo sa pakikipaglaban? Anong alam ninyo sa buhay ng Hiarlco? Nawawalan na ba ng lakas ang Kalikasan at kayo ang napiling itinakda?" Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Nang i-insulto po ba kayo?" Asar na banggit ni Flannery Valdis. Nakataas ang dalawang kilay nito at hawak ang parang chopstick sa kamay niya.
"Hindi, pero parang ganun na nga." Bumuntong hininga ako para ikalma ang sarili.
"Ako na ang nag sasabi, wala ngang nagawa ang mga kawal ng Hiarlco na nagsanay ng mahigit tatlongpu't taon, kayo pa kaya na isa pang mahihinang mortal na walang alam sa pakikipaglaban?" Sa sinabi niyang iyon, nagulat ang lahat dahil sa stick na tumarak sa pagitan ng mga tenga at balikat niya.
Bahagya din siyang natigilan at hindi nakagalaw. Tiningnan ko ito ng mariin. Hindi ako nagsalita habang gulat na gulat lang silang nakatingin sa akin.
"What the hell, Clementine?" Mura ni Patrick Palo Antonio. Hindi ko ito pinansin at idinako ang tingin kay Winchester na napalitan na ng kakaibang ngiti ang kaninang kabadong mga mata niya. Maging si Kodiak ay nakangiti na rin na para bang namamangha.
"Ngayon Eco, alam mo na?" Ngisi-ngising banggit ni Winchester na na para bang nangaasar.
"Huwag nating sirain ang gabi dahil lang sa isang peste. Kodiak, ano po ba yung gusto niyong sabihin?" Basag ko sa katahimikan.
"Bukas, ihahayag na kayo ang Kwatros. Ang nakatakdang tumapos ng madugong digmaan." Napakunot nag noo ko.
Digmaan? World War 3 ang peg ganun? Uso pa ba yun?
"Hanep Kodiak. Iba din! Nanti-trip ka ba?" Tatawa tawang banggit ni Patrick Palo Antonio. Kahit isa ng Hiarlcons ang itsura niya, hindi parin naalis ang braces nito. Masyadong dark green ang kulay namin kaysa sa isang natural na Hiarlco.
"At anong digmaan? April fools na ba?" Dagdag pa ni Haerley Farro.
"Kailanman ay hindi ginawang biro ang digmaan, Kwatros!" Bahagyang tumaas ang boses ni Eco kaya natahimik kami ng saglit.
Ilang saglit ay tumaas na ang kilay ko. Ay wow! Sumasapaw! Walang hiya. Hindi naman siya kausap.
"Nababasa ko ang iyong iniisip, mortal." Napaiwas ako ng tingin sa sinabi nito. Weh? Di nga? Mukha namang ulul.
"Hindi ba kayo nag tataka kung bakit lima lang kayong nakaligtas sa pag atake ng 46?" Napaisip kami sa sinambit ni Kodiak.
Tama nga naman. Sa higit isandaang kataong iyon, lima kaming nanatiling nakatayo at hindi ko na alam ang sumunod.
"Syempre milagro," sambit ni Flannery Valdis.
"Walang milagrong nangyari. Iyon ay dahil, kayo ang itinakda na makipag laban." Natigilan ako ng magtawanan ang mga kasama ko. As in. Parang mamatay na sila kakatawa lalo na si Aldione Badua at Haerley Farro. Hindi nga siya, tawa kundi halakhak.
"Tingnan mo, kapatid?! Binabastos ka na't lahat lahat okay parin?!" Angat ni Eco. Hindi ko alam pero parang sobrang laki ng problema niya sa mundo. Para siyang may dalaw na matandang lalaki. Nakakasar na ewan.
"Walang nakakatawa sa sinabi ko, Kwatros. Bukas, sa itaas ng templong iyon, makikilala niyo ang taga ibang destrito ng Hiarlco na siyang makakalaban ninyo. At bukas mismo, aabangan na ang trial ng pakikipaglaban at doon, patayan ang ganap." Nabitin sa ere ang mga tawa ng mga ito at nanlalaki ang mga matang tumingin kay Kodiak. Napangisi naman si Eco at hindi nagsalita si Winchester.
"Ano?! Edi sana, hindi nalang kami nabuhay doon kung papatayin niyo rin naman kami dito!" Angit ni Haerley Farro. Hindi na pai-pinta ang mga mukha nito.
"Kapatid, sabi na't wala silang maibubuga sa laro. Mga mahihinang mortal!" Si Eco nanaman, sino pa nga ba?
Wala sa sariling napatitig ako sa isang mansanas ng kainin ng katahimikan ang kapaligiran.
"Mamatay kami?" Wala sa sariling banggit ni Aldione Badua.
"Wala ka bang alam sa pakikipaglaban?" Tanong ni Winchester. Marahang umiling ang mga kasama ko at nanatili akong walang kibo at tahimik.
"Pakikipag basag ulo, pwedi ba." Pilit hinaluan ng biro ni Patrick Palo Antonio ang sinasabi niya pero basang basa ko sa mga mata nito ang kaba at takot.
"H-hindi ako pumapatay." Naghihintakutang sambit ni Flannery Valdis. Napangisi nalang ako.
"Hindi naman ikaw, kayo ang papatay. Kailangan niyo lang silang puruhan." Sambit ni Winchester.
"Siya... Siya ang papatay." Ang maliliit na kamay nito ang tumuro sa akin at lahat ng tingin ay mainit na tumutok sa kinalalagyan ko.
--
YOU ARE READING
Hiarlco [COMPLETED]
FantasyBlood fell instead of rain that night. PS: Thank you @Rittsua for the awesome book cover♡